This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.
Showing posts with label vac. Show all posts
Showing posts with label vac. Show all posts

4.24.2007

il dire*



Dahil wala akong magawa ngayon [ay, actually, meron akong ginagawa pero wala lang, baka sabihin ng iba ano...], binabasa ko yung mga dati kong entries sa blog na 'to. Naaaliw ako, more than a year na rin tong brokensunset. Last time, tinanong ni Faye kung saan ko raw ba nakuha yung "brokensunset". Kung papakinggan mo kasi, parang may deeper meaning or something, pero wala. Brokensunset yung pangalan nung dati kong column sa Insights. Dati, gusto ko sa Hale, ayun, yung broken eh galing sa broken sonnet. Tapos yung sunset, di ko maalala kung saan ko eksaktong nakuha yun, basta galing lang yun sa peyups.com. Minsan, gusto kong baguhin yung pangalan ng blog na 'to, palitan ng something na mas may sense o something na mas may meaning sa akin pero ayoko na rin kasi isang beses lang ako nakapagsulat dun sa nasabi kong column sa Insights. So parang eto yung extension nung column na yun.


Natutuwa ako habang binabasa yung mga lumang posts. Ako ba yan? Yak, talaga. Ang emo ko. Ang korni ko. May mga entries ako na gustong burahin [ala. bakit ko ba to sinulat dito? pano ngay kung nabasa niya to? ala. nakakahiya] pero hinahayaan ko na lang.


Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nagblo-blog pa rin ako. Wala namang nagbabasa nito. Pero naaaliw lang ako sa aking kunwaring pagshe-share ng mga bagay bagay sa buhay ko.


===


last time, nagkita-kita kami nina Faye at Jonee. Nagbadminton kami. Grabe. I lost three pounds pero bumalik din yung three pounds na yung nung kumain kami dun sa bahay nina Faye. Ayun, nanood kami nung A Millionaire's First Love. nakakakilig. wala lang.


Sobrang natutuwa ako pag nagkikita-kita kami tuwing vacation. Iba-iba kasi yung mga schools namin kaya syempre tuwing vacation lang kami nagkikita-kita. Ayun. sobrang I feel blessed sa aming friendship. Wala lang. Noon kasi, I have this fear na baka pag nahiwahiwalay kami, parang things will change, na parang di na kami friends [napaka-childish ko talaga] pero hindi naman naging ganun. Kahit na we don't see each other all the time, andun pa rin yung connection eh. Tapos ganun pa rin yung feeling ko, na ang saya saya nila kasama, na I could tell them everything.
basta. ganun. malabo lang talaga ako mag-explain.


===


Kanina, medyo naglinis ako dun sa kwarto tapos nung dumaan ako sa sala para magtapon ng basura, sabi ni Lorenz "waaa. Hindi ikaw ang ate ko!!"


Tapos na ang mga araw ng aking pagmumukmok sa kwarto at walang hanggang panonood ng ALIAS. Alam niyo kung bakit?


kasi masaya na ako :)



* il dire, which means "the telling", is the last episode of ALIAS I saw.

4.18.2007

random quotes

"Ang KJ naman, thesis lang" - Kuya Ray

[wahahaha. Ito ang sabi niya nung nalaman ang dahilan kung bakit wala si Ate Jill sa sem-ender/induction ng Sillag nung Monday last week.]


Speaking of Sillag, medyo naging "active" ako this past few months. hehe. Nung start ng second sem, hindi naman ako nag-aattend masyado sa mga GA pero this year, ayun nag-aattend na rin ako. Since nagsimula yung activity with Rev's (classmate ni Kuya Dustin in a BA class or something) group, nagpupunta na ako dun sa mga GAs and activities. Nung unang meeting kasi with the group, sinabi nila yung tungkol sa kanilang project na kung saan io-observe nila yung org tapos i-evaluate, magbigay ng mga suggestions, etc tapos tinanong kami isa isa kung bakit kami namomotivate na sumali/mag-found nitong org na to. Tapos nun sabi ko, hindi ko alam. Ininvite lang ako tapos um-oo na ako kasi wala namang app process, di naman masyadong matrabaho, parang "ayos lang, sige na nga". Tapos nun narinig ko yung mga reason nung mga upperclass (yung mga nag-found) sa org. Nakwento nila yung mga experiences nila na kapag tinatanong sila kung saang province sila galing at sinasagot nila eh "La Union", tinatanong nila kung saan yun ("sa Cebu ba yun?"); ayun parang gusto nilang makilala yung La Union sa UP. Tapos sabi ni Ate Flau, gusto ko raw niya na parang pag nasa LU siya, andun pa rin yung identity niya as an isko/iska. Dati, ang tingin ko kasi parang "wala lang", parang gusto lang nilang gumawa ng org nila tapos ayun nalaman ko na gusto pala nila na marecognize yung LU sa UP, na gusto nilang mag-give back sa province namin.


Ayan, balik tayo dun sa sem-ender/induction. Kasama namin dito yung Baguio chapter ng Sillag. Acapulco yung venue. Masaya. outnumbered ang Diliman. hehehe. Ayos lang. Ang daming mga Bio majors sa Baguio, pansin ko lang.


Nag-games kami. Una ay yung parang get-to-know-chorva ni Ate Jai. May idinikit siya sa noo namin paper na concealed yung laman tapos nung nalagyan na kaming lahat, ni-reveal na yung laman tapos yung mga adjectives na andun yun yung parang mga traits namin at hahanap kami ng tao na may gusto nung mga yun. I-interview. get to know each other. Meron nang-approach sa akin nung una, tinanong ako kung gusto ko yung mga traits na yun, sabi ko "hindi eh". Bad, Ayi, bad. After makahanap ng partner at nag-interview. Isa isa naming sinabi sa group yung mga bagay na nalaman namin tungkol dun sa partner namin. tapos in-explain yung point nung game na yun. Hindi lahat eh nakakuha ng magandang adjective kaya syempre, hindi assured na may gustong makapartner ka. Actually, hanggang dun lang na part yung pinakinggan ko. (lagot ka kay Ate Jai) Wala lang. Napaisip ako kasi diba nga yung merong akong inayawan. Wala lang. Hindi naman necessarily na eto yung mga characteeristics naman pero dun sa time na yun, naisip ko lang yung mga hindi magagandang characteristics ko (na medyo marami ata), napaisip ako kung bakit ayaw ko na yung isang tao eh may ganitong trait eh ganun din lang naman ako. Wala lang. Parang ang unfair ko naman. tama na nga.


Sunod na game ay yung waterball. Ayun batuhan lang ng mga plastic na may lamang tubig.


Tapos nun, nagsisisigaw lang kami dun. Naligo na sila, bumalik kami sa cottage, kumain, nagkwentuhan, dumating si Faye, ayun nagkwekwentuhan lang kami hanggang dumating sina Mama at sinundo ako. hehe.


Active pala yung yahoogroups namin ngayon. hehe. natuwa naman ako. everyday (almost) na may narereceive akong update. Wala lang. Napansin ko lang. Nakakatuwa naman.



***



(singing) "umaasa kahit na wala na..." -Lorenz


Nakaupo lang ako sa may kama tapos bigla niyang kinanta yung linyang iyon tapos sinampal ako. Ano ba?! Nakatunganga lang ako eh. Hindi ko alam kung saan kinukuha ng kapatid ko ang mga theory niya tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko.



***



(Ang transformation ng graph ng equation ay) parang pagshi-shift sa course, reflect muna bago mag-shift. - Ma'am Bargo


Sinabi sa amin ito ni Ma'am Bargo sometime last year. Relatively, marami sa mga blockmates/batchmates ko ang magshi-shift sa ibang course next sem. Wala lang. Napag-uusapan lang namin ni Joseph M. last time. Natatakot ako. Actually, nahihirapan na rin ako sa CoE pero stick to EEE pa rin ang drama ko. Natatakot ako kasi baka pag dating pa 2nd/3rd year eh bigla kong ma-realize na ayoko ko pala sa CoE o baka mapatalsik ako sa department dahil sa retention rule or something. wala lang. nakakatakot.



***



aaaccckkk. ang boring ng summer. paulit ulit ko lang pinapanood ang ALIAS, Little Manhattan at Never Been Kissed. Ewan.

4.05.2007

tapos na...

...ang second sem




Yung week bago yung finals, medyo nalulungkot ako dahil matatapos na 'tong sem na to eh nag-eenjoy pa naman ako. Tapos ngayon, parang naisip ko na "ako? nag-enjoy?". Well, somehow, nag-enjoy naman ako pero... parang iba kasi yung feeling. Ngayong second sem kasi, medyo mas tahimik, mas wala akong ginagawa, parang wala lang. parang ang bilis natapos tong sem na to. ayos lang din.

Wala akong mga kwento ngayon. Boring ang second sem. Madalas nung first sem, naghahanap ako ng tsismis tungkol sa mga dating kaklase, para bang namimiss ko sila or something. Pero nung 2nd sem, hindi na. Nawalan na rin ako ng gana. Madalas, may sarili akong mundo. Lumalayo ako sa mga tao sa dahilang hindi ko rin alam. Most of the time, meron akong sariling mundo.

ayun. masaya. tapos na ang second sem.

[PS hindi pala ako magsummer. dati, gusto ko. pero ngayon ayoko na. dahil (1) pumasa naman ako sa math 53 (yes! hehe. hindi ako makatulog ng maayos mula nung binigay yung result ng 4th LE. pero ngayong nalaman kong pumasa ako, ok na ako.) (2) kailangan kong magpahinga ("talaga lang ha?")]