This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

8.03.2006

tambay week (part 1)

Hay, ang tagal ko ring hindi nakapag-post dito sa blog. Wala lang medyo busy lang sa acads at well… iba pa mga bagay bagay. Applicant ako ngayon sa isang org, yung ERG (Engineering Radio Guild) at ngayong week na to ay tambay week namin kaya ayun may theme bawat araw at kailangan naming mag-costume ayun sa theme sa araw na yun.






Monday. Ang theme: care bears. Nakikita ko lang yug mga carebears pero hindi ko kabisado kung sino-sino yung mga care bears kaya imbento na lang yung bear ko. May mga kasabay naman ako nung tumambay nung umaga kaya medyo masaya. Ang cute cute nga naming mga bears. Heheheh.





Tuesday. Ang theme: prom night. Pero hindi naman pang-prom ang outfit ko. Dinaan ko na lang sa pagsusuot ng tiara. Pero sa pictures, mukha namang nag-prom ako eh. Hahahah. Kasama ko sa pagtambay si Gene, kuya Jayson at Alvin. Medyo konti lang sa umpisa yung mga mems na nandun nung tumambay kami nung umaga. Gusto nga kaming pasayawin ni Kuya Earl eh pero… Dumami din yung mga mems at ayun, natapos din namin ang pagpapa-sign sa mga ARM members.

No comments: