This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

4.10.2006

Best letter

Dear Dad,

Ipagpaumanhin nyo ni Mommy ang pagsulat ko sa inyo para ipaalam
na akoy aalis na sa inyong poder.Ako'y sasama na sa aking bagong boyfriend na si
Mark dahil gusto kong takasan na kayo ni Mommy. Natagpuan ko na kay Mark ang
tunay na pagmamahal at napakabait nya sa akin, napaka malambing nya hindi tulad
ng iba kong naging boyfriend. Alam ko na pag nakilala nyo sya ay magugustuhan
nyo din siya, lalo na ang kanyang mga hikaw, tattoo nya sa lahat ng parte ng
kanyang katawan at ang pang motorsiklo nyang damit.Hindi lang sa pagkakaiba nya
Dad kaya ko sya mahal na mahal, eto ay dahil sa buntis ako at sabi ni Mark na
gusto nyang magkaanak sya sa akin para lalo kaming sumaya sa aming pagsasama.
Kahit na matanda sya sa akin (42 na sya Dad, di pa naman matanda sa ngayon and
edad nya diba?) kahit na wala syang pera, di naman eto hadlang sa aming
relasyon, hindi ba Dad? Syanga pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron
din syang trailer na truck na kung saan doon kami magsasama, pinakang bahay na
namin ang trailer, at marami na rin syang stock na panggatong para magamit namin
sa buong buwan ng taglamig. Totoo na meron pa syang ibang girlfriend pero alam
ko na magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling pamamaraan, sa katunayan
gusto nyang marami
kaming anak at eto ang isa sa aking ambisyon. Tinuruan na
nga pala nya akong humithit ng marijuana at masarap ang pakiramdam, sa katunayan
nagtanim na sya para ipagpalit sa aming mga kaibiga! n ng shabu, ecstasy na
gusto namin.

Dad, sana ipagdasal mo na matuklasan na ang gamot sa AIDS para
gumaling na si Mark, kasi deserving naman sya na gumaling!! Huwag kang mag alala
Dad 15 years old na ako at alam ko na kung paano pangalagaan ang aking sarili.
Makikita mo Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang araw bibisita kami sa inyo
para naman makilala mo ang iyong mga apo.

Nagmamahal mong anak,

Clarence

PS: Dad, hindi totoo mga sinabi ko sa sulat. Nandito lang ako
sa kapitbahay, pinapaalala ko lang sa iyo na mas marami pang dapat ikatakot sa
buhay kesa aking report card na nasa drawer. Pakipirmahan na lang po at tawagan
ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay.

I love you

When I recieved this e-mail, it gave me some idea of what to do just in case I get a tres or cinco in college. hehe.

No comments: