This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

3.21.2006

ANG SAYA-SAYA!

masaya pumasok sa school ngayon. konti lang kasi ang tao. wala yung mga pesteng galing sa lower years na kung umasta eh parang di kami kinikila bilang mga senior. Good riddance, jerks.


masaya pumasok sa school ngayon kahit na hindi ko sya nakita kanina.


masaya pumasok sa school ngayon kasi hindi kami nakakulong sa isang classroom at pinapainit ang pwet ng mahigit kumulang sampung oras. masaya yung palakad lakad ka. punta ka sa 1st floor, tapos 2nd floor, lipat ka sa grade school, punta sa canteen, punta ka sa 3rd floor, magpahangin ka 4th floor, bulabugin ang library, makigulo sa faculty room o kaya ay tumambay sa insights office.


masaya pumasok sa school ngayon. mas madali iwasan ang mga taong hindi mo gustong makita


masaya pumasok sa school ngayon lalo na't wala akong ginagawa kundi kumakain, naglalakad, at nakikipagkwentuhan


***


Sabi ni Ma'am Villar, malaki daw ang ipinagbago mula nung 2nd year kami. mula daw dun sa ayi na walang homework, kulang kulang sa project at late na lang sa lahat ng dapat i-submit, ako na raw si ayi nauuna sa pagtapos ng thesis. naks naman. hehe. iba na ang inspired. joke lang.


***

QUOTE OF THE DAY:
sabi nga ng jologs na si Mark Bautista sa isa sa mga album titles niya: DREAM ON.
(Napaka weird ng title, DREAM ON. Parang sinasabi ni Mark Bautista sa fans niya na ‘Asa pa kayo’.) Sometimes the people who actually think of album titles don’t even spend time to think about titles at all. Napaka DUH talaga. - Aaron Roselo (aaronroselo.com)

No comments: