This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

6.20.2006

First week high!

Ang lungkot maging freshman. Para kang aanga-anga at walang alam. Pakiramdam ko grade 1 ako na naligaw sa klase ng mga grade 6. hehehe. Nung first day, nag-attend ako sa lahat ng klase na hindi nagco-incide dun sa freshman welcome assembly. Nagpapaka-good girl. Tapos as in super todo mahiyain at tahimik pa ako. Pero hanggang first day lang naman yun.

Ang saya rin pala maging freshman. Nung second day onwards, natuto na rin akong maging active, makipagkilala. Dahil bago sa akin ang ilan sa mga subjects (at requirements para sa subjects), feeling ko ang sarap pumasok at mag-aral. Dun sa Marine Science (eto ang maganda sa UP, pwede mong kunin ang subject na gusto mo. Comp engg ako pero bakit may subject akong marine sci diba?) class ko, mabait ang prof. Inulit pa nga yung lecture namin nung Tuesday for those who were absent last time. Dun sa Math 17 class, hay… no comment na lang. Basta nung Monday, super nag-enjoy kami sa klase (may pakana sina Lloyd, Aaron at cotangent. Hahahaha… may nagkaka-developan pa sa block namin. Hehe. Napansin ni Gino). Yung prof ko naman sa Geography eh ayaw niya sa pusa kasi raw feeling close sila kahit daw di ka kilala eh bigla ka na lang lalapitan. Ako din kasi ayaw sa mga pusa. Para silang mga spirits na nag-animal form (di ko makakalimutan yung pusa nung 2nd year ako). Tapos meron kaming Geogcamp. Wow. Exciting. Tipong extra-challenge daw ito na may kinalaman sa geography. Ang saya naman. Away kasi ni prof ng fieldtrip kasi ang ft daw eh punta sa ka lang sa isang place, magpapagod. Dun sa ES1 (engineering drawing), ayos lang. 3 hours straight ang subject na to. Nung Monday, nag-discuss yung prof naming for about 20 minutes tapos gawa kami kaagad ng plates. Ang galing! Pero mabait yung prof naming. Mabait din yung student assistant niya (sumipsip ba! Yung SA kasi ang taga-check ng plates e kaya dapat kaibiganin. Hehehe) Dun sa kasaysayan 2 class, talagang di pa nagdistribute ng class card ang prof nung first meeting. Kinuwentuhan niya muna kami ng mga “realities of the subject”. (boring ang subject, kailangan super sipag ka to research, reporting, etc.) Tapos dun sa Comm 3 class ko, dapat i-introduce ang sarili. Dapat banggitin ang status. Sabi ko “umm… status… I have a boyfriend but he doesn’t know that I’m his girlfriend so I’m technically single.” Ang PE ko naman ay scrabble. Haha. Sino ba naman ang mag-aakalang pwede pa lang PE ang scrabble! Basta maka-5 wins ka lang out of dun sa 20 games, pasado ka na, tres na agad grade mo pero syempre, kung pwede naman mga tipong uno o 1.25 ang grade, bakit hindi diba?

Pag free time ko naman, ang tambayan ko ay sa main library. Wala pa naman kasi akong org na pwedeng makasama tuwing free time eh. Tsaka maganda sa main lib. Masarap matulog dun. Hehe. Pag free time ko rin, nililibot ko yung campus. Wala lang, hinahanap ang mga bagay bagay na kilala sa UP gaya nung totoong Oblation na nasa pinakamataas na floor ng main lib., atbp. Nag-aantay ako ng frat rumble pero wala pa akong nakikita.

Hindi pala maganda pag mahihiya hiya ka dito. Dapat laging on the go para makipagkaibigan para may mga kakilala ka na napaka-useful kasi maraming mga group works, etc. Dapat active ka in class hindi parang dun sa ipis ang boses mo. Magpaka-stand out. Hehe.

After a day, pagod ako at medyo gutom. Pero ayos lang din. Masipag at pasensyosa pa naman ako dahil, you know, freshman pa eh.

*parang di akma ang brainy high sa mga UPian. Para kasing cinco yung brainy high eh.

1 comment:

Inezzy said...

Hahahaha… may nagkaka-developan pa sa block namin. Hehe. Napansin ni Gino

Sino kaya 'to, hah?! XP

Geogcamp

HAHAHAHAHAHA!! JONGCAMP!!:P