Ang aking first official college life pic ang group namin. Seryoso. As in di pa ako nagpapa-picture para dun sa ID. Haha. Kinuha naming ito dun sa bay walk. Haha. Sosyal. May pic pa talaga report namin. Pero mas sosyal yung isang group sa amin dahil as in nagsubmit sila ng album. Todo effort. Pero sa next assignment, mas todo na naman ang gagawin ko. Ang next assignment nga namin eh pumunta sa isang wet market para ilista ng mga pangalan ng mga isda, price range, at syempre scientific name. tipong “ate, magkano po yang tilapia? At ano nga po pala ang scientific name niyan?”
Pero kung inaakala niyo na nagsisisi ako sa pagkuha ng MS1 dahil sa mga ganyang requirement na panira ng schedule, (haha, kung alam niyo ang nangyari nung nagpunta kaming bay walk) mali kayo dahil masaya naman ang klase. May mga games at mabait pa prof namin. May pasalubong pa nga kaming lahat galing sa hindi ko alam kung saan siya pumuntang country eh.
Ang pinagsisisihan ko ay ang Kas2. as in sobra. Mamamatay ako sa klase sa sobrang boring at kawalan ko ng interes. Grabe. As in super inaantok na ako. Akala ko naman kasi as in lecture lang, konting readings ang Kas2. putragis. Ang daming requirements. Matrabaho siya as in. research. Presentation sa class. “artifact”. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang mag-Math 17 na lang kaysa mag Kas2.
Isa rin yang ES1. Hindi ako galit sa ES1. Medyo may mga di ako ma-gets. Ano ba yan? Ok naman kaya lang medyo mabilis mag-discuss si prof eh. Pero mabait naman si Prof Jong… pati yung SA niya (hehe… sumipsip na naman. Ate Rich, please bigyan mo ako ng medyo mataas ng grade sa mga plates.)
Balik usapang classes tayo.Hindi ako nagkamali sa pagpili ko sa Geography. Kahit na medyo masikip at mainit yung classroom, ayos lang dahil masaya naman ang klase. May mga games din. Tapos nung bumuo ng mga grupo para sa activity, ang pangalan ng grupo namin ay GEO(G)LOGS- geog geog geog (parang joke joke joke). 3 things na common sa amin: lahat kami ay di pa nakapanood ng oblation run, may friendster at yahoo account, at favorite color naming ay white. Ganun kami mabilis maimpluwensyahan. Sinabi lang ni Kuya physics major na white, white na rin kaming lahat.
Okay, usapang math naman. May math quizbee na gaganapin for freshmen. Ang saya. Di ako sasali. Haha. Nung high school eh pala-sali ako sa mga ganyan pero lie-low muna ako sa mga ganyan noh! Try ko namang maging spectator lang ngayon.gaya na lang nung Comm3 class ko kanina. Pa-lie low na naman ako. Kasi active namana yung mga groupmates ko. Nakasanayan ko sa high school na ako yung palaging leader. At inaantay na lang nila akong may simulang gawin o sabihin at minsan, inantay lang din nila ako na tapusin ko yung gawin. Pero natuwa ako sa comm3 class dahil hindi ako yung nag-i-initiate. Ang saya. Masaya pala na pakinggan din yung ideas ng iba tapos parang comments ka na lang para ma-improve yung project. Galing ni Monch mag-drawing. Hehe. FA eh. Ang naitulong ko dun sa group work naming eh mag-pose para magaya niya yung kamay ko. Haha. Ayos! Pero syempre, may naitulong naman ako dun sa pagbuo mismo communication model kahit na pagkukulay lang.
E teka, bakit ba nauuwi sa usapang puro acads tong blog ko? Ewan ko rin eh… nga pala, advance happy birthday dun sa kakilala ko na di ako kilala… uy, tatanda na naman sya next week.
No comments:
Post a Comment