This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

6.05.2006

tibi

Hindi ko pa naman napapanood yung Captain Barbell (CB), yung “trailer” pa lang naman. Bukod sa ALIAS, adik din ako sa Smallville kaya napansin ko kaagad ko kaagad yung ilang pagkakahawig ng teenager na Captain Barbell at teenager na Superman.

Hindi ko alam yung kwento ng CB base dun sa komiks pero sabi ng kapatid ko, hindi raw nanggaling si CB sa outerspace. Dun kasi sa trailer parang nakikipaglaban si Mrs. B at Captain B tapos biglang may nahulog na UFO sa earth, nandun sa loon nun yung batang captain barbell (di ko alam yung pangalan niya eh). Ganun din si Clark, napunta siya sa earth nung nagkaroon ng meteor shower. Dun siya napulot nina Jonathan and Martha Kent, diba? Dun naman kay CB, may nakapulot sa kanya na matanda tapos dinala niya dun sa family niya. Gaya ni Clark Kent, innate na rin ang powers ni CB. Sabi ng nagmamagaling kong kapatid, hindi raw dapat ganun, kasi dun sa komiks at mga movies, hindi innate yung powers niya, nakukuha lamang niya ito dun sa barbell. Dun din sa patalastas, may scene na may inililigtas siya ng lalake mula sa isang nag-crash na car. Sa Smallville, kaya naging best friends sina Clark at Lex dahil niligtas ni Clark si Lex dun sa nag-crash na car. Kung magiging kaibigan ni Richard (sori, di ko alam yung pangalan niya sa show eh) yung lalaking iniligtas niya, hindi ko alam. Tapos may dalawang friend si Richard, si Camille at isa pang actor – na kung ico-compare sa Smallville eh parang sina Chloe at Pete. May ‘Lana’ din sa CB pero hindi ko alam ang pangalan nung actress.

Hindi ako nagagandahan sa CB. Maganda naman yung costume niya, na ipinagmamalaki ng GMA kasi ang gumawa/nag-design daw nun ay bigatin (gumagawa raw ng costume ng mga Hollywood super heroes). Mas maganda sana kung bagay kay Richard noh.

Pero MAGANDA ANG THEME SONG NG CB. (Sino pala kumanta nun at anong title?) Gaya ng I Luv NY (natutuwa kami ng kapatid ko habang pinapanood ‘to. Feeling mo naubusan na ng mga ang NY dahil lahat ng mga nakakasalamuha characters eh puro noypi), maganda ang theme song, panget ang show.

Dun naman tayo sa kabilang network. As expected, big winner si Kim. I wouldn’t consider myself a fashionista and has a good taste when it comes to clothes pero ang una kong napansin kay Clare nung big night is that ang chaka ng damit nya. Diba naka-ilang change outfit si Toni? ipinasuot na lang kay Clare ang isa sa mga gown nya.

Dun naman tayo sa affiliate ng ABS, Hero TV. Ang saya saya dito. Pag wala na akong mapanood, lipat ako kaagad sa Hero. Ibinalik na dun ang Super Gals. Yehey!!! Ang saya saya! ipalabas din nila ang UFO baby na super favorite ko nung second year pa ako!

Hay, buti na lang meron ang tv shows na to na gumagambala sa isip ko. Kung wala ang mga ito, magmumukmuk ako, mag-iisip ng mga kung anu-anong bagay (nadedemonyo ako nitong mga huling araw. Ang dami ko kayang naiisip na mga kalokohan) at tuluyan akong maloloka kaiisip sa...

No comments: