This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

4.18.2007

random quotes

"Ang KJ naman, thesis lang" - Kuya Ray

[wahahaha. Ito ang sabi niya nung nalaman ang dahilan kung bakit wala si Ate Jill sa sem-ender/induction ng Sillag nung Monday last week.]


Speaking of Sillag, medyo naging "active" ako this past few months. hehe. Nung start ng second sem, hindi naman ako nag-aattend masyado sa mga GA pero this year, ayun nag-aattend na rin ako. Since nagsimula yung activity with Rev's (classmate ni Kuya Dustin in a BA class or something) group, nagpupunta na ako dun sa mga GAs and activities. Nung unang meeting kasi with the group, sinabi nila yung tungkol sa kanilang project na kung saan io-observe nila yung org tapos i-evaluate, magbigay ng mga suggestions, etc tapos tinanong kami isa isa kung bakit kami namomotivate na sumali/mag-found nitong org na to. Tapos nun sabi ko, hindi ko alam. Ininvite lang ako tapos um-oo na ako kasi wala namang app process, di naman masyadong matrabaho, parang "ayos lang, sige na nga". Tapos nun narinig ko yung mga reason nung mga upperclass (yung mga nag-found) sa org. Nakwento nila yung mga experiences nila na kapag tinatanong sila kung saang province sila galing at sinasagot nila eh "La Union", tinatanong nila kung saan yun ("sa Cebu ba yun?"); ayun parang gusto nilang makilala yung La Union sa UP. Tapos sabi ni Ate Flau, gusto ko raw niya na parang pag nasa LU siya, andun pa rin yung identity niya as an isko/iska. Dati, ang tingin ko kasi parang "wala lang", parang gusto lang nilang gumawa ng org nila tapos ayun nalaman ko na gusto pala nila na marecognize yung LU sa UP, na gusto nilang mag-give back sa province namin.


Ayan, balik tayo dun sa sem-ender/induction. Kasama namin dito yung Baguio chapter ng Sillag. Acapulco yung venue. Masaya. outnumbered ang Diliman. hehehe. Ayos lang. Ang daming mga Bio majors sa Baguio, pansin ko lang.


Nag-games kami. Una ay yung parang get-to-know-chorva ni Ate Jai. May idinikit siya sa noo namin paper na concealed yung laman tapos nung nalagyan na kaming lahat, ni-reveal na yung laman tapos yung mga adjectives na andun yun yung parang mga traits namin at hahanap kami ng tao na may gusto nung mga yun. I-interview. get to know each other. Meron nang-approach sa akin nung una, tinanong ako kung gusto ko yung mga traits na yun, sabi ko "hindi eh". Bad, Ayi, bad. After makahanap ng partner at nag-interview. Isa isa naming sinabi sa group yung mga bagay na nalaman namin tungkol dun sa partner namin. tapos in-explain yung point nung game na yun. Hindi lahat eh nakakuha ng magandang adjective kaya syempre, hindi assured na may gustong makapartner ka. Actually, hanggang dun lang na part yung pinakinggan ko. (lagot ka kay Ate Jai) Wala lang. Napaisip ako kasi diba nga yung merong akong inayawan. Wala lang. Hindi naman necessarily na eto yung mga characteeristics naman pero dun sa time na yun, naisip ko lang yung mga hindi magagandang characteristics ko (na medyo marami ata), napaisip ako kung bakit ayaw ko na yung isang tao eh may ganitong trait eh ganun din lang naman ako. Wala lang. Parang ang unfair ko naman. tama na nga.


Sunod na game ay yung waterball. Ayun batuhan lang ng mga plastic na may lamang tubig.


Tapos nun, nagsisisigaw lang kami dun. Naligo na sila, bumalik kami sa cottage, kumain, nagkwentuhan, dumating si Faye, ayun nagkwekwentuhan lang kami hanggang dumating sina Mama at sinundo ako. hehe.


Active pala yung yahoogroups namin ngayon. hehe. natuwa naman ako. everyday (almost) na may narereceive akong update. Wala lang. Napansin ko lang. Nakakatuwa naman.



***



(singing) "umaasa kahit na wala na..." -Lorenz


Nakaupo lang ako sa may kama tapos bigla niyang kinanta yung linyang iyon tapos sinampal ako. Ano ba?! Nakatunganga lang ako eh. Hindi ko alam kung saan kinukuha ng kapatid ko ang mga theory niya tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko.



***



(Ang transformation ng graph ng equation ay) parang pagshi-shift sa course, reflect muna bago mag-shift. - Ma'am Bargo


Sinabi sa amin ito ni Ma'am Bargo sometime last year. Relatively, marami sa mga blockmates/batchmates ko ang magshi-shift sa ibang course next sem. Wala lang. Napag-uusapan lang namin ni Joseph M. last time. Natatakot ako. Actually, nahihirapan na rin ako sa CoE pero stick to EEE pa rin ang drama ko. Natatakot ako kasi baka pag dating pa 2nd/3rd year eh bigla kong ma-realize na ayoko ko pala sa CoE o baka mapatalsik ako sa department dahil sa retention rule or something. wala lang. nakakatakot.



***



aaaccckkk. ang boring ng summer. paulit ulit ko lang pinapanood ang ALIAS, Little Manhattan at Never Been Kissed. Ewan.

No comments: