This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

4.24.2007

il dire*



Dahil wala akong magawa ngayon [ay, actually, meron akong ginagawa pero wala lang, baka sabihin ng iba ano...], binabasa ko yung mga dati kong entries sa blog na 'to. Naaaliw ako, more than a year na rin tong brokensunset. Last time, tinanong ni Faye kung saan ko raw ba nakuha yung "brokensunset". Kung papakinggan mo kasi, parang may deeper meaning or something, pero wala. Brokensunset yung pangalan nung dati kong column sa Insights. Dati, gusto ko sa Hale, ayun, yung broken eh galing sa broken sonnet. Tapos yung sunset, di ko maalala kung saan ko eksaktong nakuha yun, basta galing lang yun sa peyups.com. Minsan, gusto kong baguhin yung pangalan ng blog na 'to, palitan ng something na mas may sense o something na mas may meaning sa akin pero ayoko na rin kasi isang beses lang ako nakapagsulat dun sa nasabi kong column sa Insights. So parang eto yung extension nung column na yun.


Natutuwa ako habang binabasa yung mga lumang posts. Ako ba yan? Yak, talaga. Ang emo ko. Ang korni ko. May mga entries ako na gustong burahin [ala. bakit ko ba to sinulat dito? pano ngay kung nabasa niya to? ala. nakakahiya] pero hinahayaan ko na lang.


Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nagblo-blog pa rin ako. Wala namang nagbabasa nito. Pero naaaliw lang ako sa aking kunwaring pagshe-share ng mga bagay bagay sa buhay ko.


===


last time, nagkita-kita kami nina Faye at Jonee. Nagbadminton kami. Grabe. I lost three pounds pero bumalik din yung three pounds na yung nung kumain kami dun sa bahay nina Faye. Ayun, nanood kami nung A Millionaire's First Love. nakakakilig. wala lang.


Sobrang natutuwa ako pag nagkikita-kita kami tuwing vacation. Iba-iba kasi yung mga schools namin kaya syempre tuwing vacation lang kami nagkikita-kita. Ayun. sobrang I feel blessed sa aming friendship. Wala lang. Noon kasi, I have this fear na baka pag nahiwahiwalay kami, parang things will change, na parang di na kami friends [napaka-childish ko talaga] pero hindi naman naging ganun. Kahit na we don't see each other all the time, andun pa rin yung connection eh. Tapos ganun pa rin yung feeling ko, na ang saya saya nila kasama, na I could tell them everything.
basta. ganun. malabo lang talaga ako mag-explain.


===


Kanina, medyo naglinis ako dun sa kwarto tapos nung dumaan ako sa sala para magtapon ng basura, sabi ni Lorenz "waaa. Hindi ikaw ang ate ko!!"


Tapos na ang mga araw ng aking pagmumukmok sa kwarto at walang hanggang panonood ng ALIAS. Alam niyo kung bakit?


kasi masaya na ako :)



* il dire, which means "the telling", is the last episode of ALIAS I saw.

No comments: