Hanggang ngayon, nililinisan ko pa rin ang study table ko at kanina lang ay nahanap ko ang mga class pictures ko nung elementary. Paulit-ulit kong tinitignan ang mga pictures. Normally, pag ginagawa to ng isang tao, ire-reminisce nya ang kanyang mga grade school moments – yung mga katuwaan, kalokohan, atbp. Pero dahil nga abnormal ako, may iba akong napuna dun sa mga litrato.
Kung papipiliin niyo ako kung anong set ng class pictures ang mas proud akong ipakita sa public, pipiliin ko yung mga grade school class pics ko. Hindi yun dahil mas cute at mas masaya ako nung nasa grade school ako kundi dahil matangkad ako noon. Napansin ko kasi na sa GS class pics eh dun sa mataas na row ang pwesto ko. Never pa akong nagkaroon ng class pic na nandun ako sa bottom row. Ka-linya ko pa nga sina Dian, Joyce, Jonee, Gerda, Jana, Vicki, at Dianne. Alam kong iniisip niyo na baka naman ganun ay dahil hindi naman gaanong matangkad ang mga kaklase ko. Wait lang, read on.
Naalala ko pa nung Grade 3 ako, sumali ako sa cheering squad ng Team A. (haha. Pag team A ako, dun lang ako sumasali sa cheering squad.) Ako yung pinakabata sa amin. Pero kung nakikita niyo dun sa picture, tuwing formation, hindi ako nasa harap. Pag iaayos ang formation according sa height, ang pwesto ko ay dun sa likod kasama nung mga grade 6 students. Kaya alam ko na matangkad talaga ako, hindi lang dahil sa hindi gaanong matatangkad ang mga kaklase ko.
Tapos nung high school, nag-enroll ako ng mga late April. Incoming freshman ako, at ako mismo yung nagpunta sa school para mag-enroll. Tinanong nung isang teacher (na hindi ko na matandaan kung sino) kung kapatid ko ba yung i-e-enroll ko. Sabi ko hindi, as in ako yung mag-e-enroll. Sabi niya, hindi raw kasi mukhang incoming freshman, ang tangkad raw kasi. (wala akong proof ng istoryang ito pero pramis totoo yan!)
Dati rin, sabi ng doktor ko na matangkad daw ako. Tuwing bumabalik ako for check up. Sinasabi niya na “ala! Ang laki mo na… Anong year mo na?” eh grade school pa lang ako nun. Pero iba na ang istorya ngayon. Recently, tinanong ko yung isa kong doktor kung pwede ko nang itigil yung vitamin ko para dun sa dugo kasi nga… mahabang explanation na naman. Kaya ayun, nagpalit ako ng vitamins. Tinanong ko rin kung meron/ ano ang pwede kong inumin pampatangkad. Natawa siya at tinanong kung balak ko bang sumali sa beauty pageant. Naman, wala akong balak na ganun. Gusto ko lang tumagkad. Masama bay un?
Balik tayo sa class pictures. High school class pictures. Putragis. Nasa bottom row ako. There are times nga na gusto kong i-edit ang mga pesteng class pictures para ilipat ko yung sarili ko dun sa mas mataas na row pero low class lang ang scanner ko at super liit naman ang mukha ko dun sa mga class pic. Kainis.
Ewan ko ba kung anong nangyari nung high school? Bakit di na ako tumangkad? Bakit 1 cm na lang ang itinatangkad ko kada taon? Dahil ba to sa kinakain ko? Dahil ba to sa oras ng pagtulog ko? Dati kasi as nung nasa GS pa ako, 8pm tulog na ako. Dahil ba to nakakalimutan kong uminom ng gatas? Side effect ba to nung vitamins ko? Dahil ba to sa pag-inom ko ng kape 3-5 times a day?
At eto pa, hindi lang sa mga class pics nagtatapos ang tangkad stories. Nung tinitignan ko rin yung mga group pictures namin ng mga best friends ko, ako rin yung pinaka-pandak (ouch!). Tapos dun din sa mga group pictures naming magpipinsan, kung di mo isasali yung mga pinsan kong 10 years old pababa, ako na naman ang pinaka-maliit (ouch!). Yung ngang hindi kami masyadong kilala ng kapatid ko ay inaakalang kuya ko si Lorenz dahil nga mas matangkad siya sa akin. Leche. Pati nga si Phia, na tinatawag naming ‘utit’ noon, ay mas matangkad na sa akin. Tapos I’m just a foot taller than my twin cousins. Pano na to? Ayoko na tuloy magpapicture at tumabi sa kanila. Huhuhuhu.
Tapos sinasabayan pa sila ni papa. Sinasabi niya ang bata pa lang daw nina jhajha at jhingjhing eh malapit na raw yung height nila dun sa akin. Baka raw mamaya, mas matangkad na sila sa akin at si Lorenz ay mukhang kuya ko raw!!! Waaa!!! Tapos sasabayan pa yan ni papa nung nakaka-insultong tawa niya.
Nabwisit ako nung sinabi nung isang tita ko (nangyari to nung nag-apply ako for APE, galing akong CS at hinihintay nila ako sa sasakyan) na hindi raw ako mukhang college freshman. Parang bata lang daw ako. Waaa!!! Para ko siyang gustong sakalin, itulak at ipasagasa dun sa dumaan na ikot jeep. Ganun ako ka-conscious sa height ko.
Importante sa akin ang height. Ewan ko pero feeling ko ang ganda ganda ng katawan mo pag matangkad ka. Ang saya saya kaya mag shorts at skirt pag mahaba legs mo at matangkad ka. Hindi ko na kailangang pang ipaputol yung pants na bibilhin ko tama lang naman sa akin, kasi matangkad ako. Ang pangit naman pag ang pandak mo tapos matangkad boyfriend mo (hmm… Bakit ko ba to naisip?) At pag may kaaway ka, ang saya kayang tingnan siya pababa at sabihing “ano, may angal?” Syempre, intimidated siya, tangkad mo eh! Alam kong ang babawa ng mga rason na yan pero importante talaga sa akin ang height. As in tatalon ako 246 ft above the ground pag tumangkad ako ng 7 inches. Alam ko na ako na ako na ang pinakamasayang tao sa mundo pag naabot ko na ang height na 5’9”. Bakit ba ganito? Ito na ba yung sinasabi nilang growth gap?
1 comment:
baliktad naman tayo... ako e ayaw ko na ngang tumangkad.. feeling ko higante na ako.
Post a Comment