This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

8.11.2007

Sobrang Meant To Be

May crush ako, na tatawagin nating white ranger. Nakatdhana daw siya sa isang babaeng may pangalang pink ranger. Nung umuwi ako sa amin last weekeng, sinabi ng pinsan kong si Jing2 sa akin “ate, alam mo ang bagay mong pangalan eh fuschia ranger.” Mga dalawang minuto pa ang lumipas bago nag-sink-in sa akin na yung sinabi niyang pangalan eh derivative nung pangalan ni pink ranger. Waaaa. Hindi kilala ni Jing2 si White Ranger at dalawang tao pa lang ang napagkukwentuhan ko nung tungkol sa mga tadhana chorva at hindi ko nga sinabi sa kanila yung pangalan ni Pink Ranger at wala rin naman silang paraan upang contact-in si Jing2 at pagtrip-an ako. Kaya, diba, sobrang meant to be!!!

Last weekend din, I was working on the second problem set in EEE33. Nahihirapan na ako so I texted some of my classmates regarding some items in the probset. I was quite surprised na they haven’t started answering the prob set. I was like “Syet. Ang galing naman nila. Ilang araw na akong nagproprobset tapos parang bukas na kaya ang submission tapos di pa kayo gumagawa!! Halimaw!!” Monday morning, I asked Daniel, one of my Math 54 classmates, if he’s already done with the probset and he answered “hindi pa ako nagsisimula”. Para akong napa-“shocks. Ano ba!!! Mamaya na kaya submission. Ang galing niyo naman. Sasagutan niyo lang in a few minutes?!!!” Then he pointed the clearly printed note in my probset: DEADLINE: AUGUST 9, 2007. oo nga naman. Sayang ang effort kong tapusin ang probset. Banas na banas ako kasi balak ko pa naman magsubmit sana ng mga lab reports on time this month pero hindi ko na tinuloy kasi nga kinailangan kong tapusin ang prob set. Oh, well. Be happy.

Yesterday, Ma’am Dae announced that she wouldn’t be handling our EEE13 class anymore. She made us choose which lec class schedule (M/Th 10-12NN or F 4-6pm). Of course, I took the F4-6PM class. Malungkot kasi I arranged my schedule in such a way that I don’t have long hour breaks and that I always get to go home early (except on Tuesdays). Pero actually, ayos na rin sa akin. Sir Tai would be handling our lab class and hopefully, he’d also handle the lec class. Hay, sana T4-6pm pa rin. Haha.

Today, I had two exams - EEE33 and Math 54. I did good in EEE33 (I think). Masisira ang buhay ko pag bumagsak ako sa exam. I’m kind of disappointed with Math 54 kasi sobrang totally lost ako. Parang kagabi, sobrang nagmemorize ako nung mga formulas and stuff pero waaaa. sobrang nakalimutan ko na nung exam kung ano yung mga general/standard form ng mga conic sections, paano magconvert from cartesian to polar form, symmetry tests, pano yung mga tangent lines, eccentricity. waaaa. basta ang dami kong di matandaan. lagot lagot.

No comments: