This week is officially my hell week. I have three exams (EEE34 yesterday which was um, disappointing; Kas1 tomorrow and EEE33 on Saturday). I actually have a paper to submit on Kas 1 regarding one of the lectures/forums during the History week but I arrived late and people were already leaving CM Recto Hall. Tinatamad na rin naman akong magsulat ng paper at tsaka I have a lot to study in EEE33 (as in super dami nung coverage ng exam and sobrang hirap intindihin) pero actually, tinatamad na rin ako sa EEE33. Nae-excite nga akong gawin yung lab02 (BST) sa EEE13 eh but Ian pointed out to me na next week Monday pa ang deadline nun so may time pa naman at pwedeng magfocus muna sa 33.
Yesterday, nagpicture-taking sa ERG. Actually, one of the trademarks of ERG ay ayun nga, game na game, hyper sa mga picturan. So medyo maingay, magulo at oh well maraming tao sa tambayan at parking lot. Dapat hindi na ako sasali sa pictorial because I still don’t have my erg72 shirt. I even hesitated to go to the tambayan nung umaga (I didn’t have any class in the morning) because I know na all of them would be wearing the black shirt so parang wooo outcast ako. Thankfully, nakuha ko rin yung shirt ko so sumali na rin ako sa picture taking (na kung saan bida si Baby Tee… wooo. Arvin, joke lang. peace ^_^). The pictures will probably be uploaded sa ERG website. Hehe. Wala lang, if ever lang gusto niyong makita.
Tapos this afternoon, may activity din dun sa isa kong org, Sillag. Sumali kami dun sa clean-up ng Haribon. I originally planned on joining the morning batch pero I opted na lang to join the 3-5PM clean-up kasi I have a clas at 10AM (Bowling) eh I probably wouldn’t have time to get ready and go to Ever. Tapos I heard din kasi na the apps (weee… may apps na) would be in the 3-5PM bacth so ayun, I want to meet them kasi I wasn’t able to attend the orientation a (few) week(s) ago.
And after the clean up until Saturday, my whole life will revolve on EEE33. I hardly have three days to study the whole chapter 5 and 6. Kung akala niyong exaggeration ko lang yung wala akong naiintindihan sa First Order Networks at Higher Order Networks, oh well nagkakamali kayo. Seryoso ako. Please pray for me na sana malagpasan ko ang pagsubok na ito sa buhay ko. Kasi during the start of the sem parang I told myself na if I fail in EEE33 eh parang that’s kind of a sign na oh well… Pero I’m not giving up kasi I want to stay in CoE, in EEE kasi ewan, I just want to be here and I can’t imagine myself in any other department (pero actually, may “back-up course” na ako pero super super last resort yun). So ayun nga, I’m not giving up kasi may tatlo pa namang exams and finals so FIGHT! (pati din pala sa 34, FIGHT!)
Anyway, last week na pala ng August, my supposedly “happy month”, though I’m not sure kung “happy” nga ba ang buwan na ito. Surely, I didn’t have those “wooo. Ang lungkot talaga ng buhay ko” moments pero wala rin namang moments na fun, exciting at super ecstatic (except probably for those few times na basta yun na yun). Pero actually, ok na rin. I mean, nagawa ko naman yung mga resolution chorva ko like I wouldn’t drink any soda (kasi sobrang pala-softdrink ako dati) and I have perfect attendance in all of my subjects. Yeah, so far, wala pa akong absent which is super achievement for me kasi ako yung type ng student na mag-aabsent nang walang dahilan lalo na pag di ko trip yung subject (madalas sa GE) o hindi nagchecheck ng attendance yung prof.
Ilang araw na lang, September na and hindi ko alam kung anong pakulong gagawin ko sa buhay ko pero most probably, lie-low muna sa mga chrovang “happy month” and the like kasi diba more or less one monthe na lang at matatapos na ang sem. Syet, ang bilis. Kailangan ko nang ayusin ang buhay ko.
This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.
8.29.2007
44640
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment