This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

6.11.2007

bago magpasukan

Last June 1 and 2, our provincial org, UP Sillag conducted CAReS [Comprehensive Admission Review Sessions]. Yung ibang members/officers ay medyo nagulat sa number ng students na dumating. Compared daw kasi sa review last year, sobrang mas madami yung mga nag-attend ngayon. Karamihan ay galing sa Lorma, ang aking HS alma mater at syempre, sila ang pinaka-"outgoing" siguro dahil ang venue na Lorma San Juan ay kanilang teritoryo o pwede ring ganun talaga ang Lorma identity. hahahaha. kasi napapa-shh din ang iba habang nagkwekwentuhan kami sa likod habang nagaganap ang rebyu. Yung iba namang students eh galing ng SLC, BLC at BNHS. Ayun, masaya naman, it's good to be back at my old school (although dun sa Grade School building ito naganap). Nakakatuwang panoorin si Kuya York maprepare para sa Science Lecture. Sa tulong ni Kuya TJ ay matagumpay niyang nahanap ang kanyang ventricles at matiwasay na nasundan ang blood circulation sa kanyang pulmonary artery. Ang ibang science lecturers naman na sina Kuya Lester at Kuya Dan ay itinuro sa akin ang kaibahan ng DNA sa RNA. Kuya Ray (na akala mo galit na nagtuturo tapos bigla bigla na lang tatawa) at ako (na nagpapa-cute lang) ang naghandle ng Math lecture. Kamusta naman, nagso-sudoku si Ate Jai dun sa other half ng black board habang seryosong nagle-lecture si Kuya Ray.

Mga behind the students scenes: Ayun, kwentuhan at kung anu-ano pang chorva ang ginagawa na mga Sillag people. Patok na patok ang aming "Siguradong lalabas sa UPCAT" questions.

#1: Umutang si Dustin ng 15piso kay Ayi. Nakahanap siya ng 7piso sa kanyang wallet. Ibinayad niya ang kalahati kay Joanna. Sabi ni Dustin "Ayi, 8 na lang." Kelan ang birthday ni Ray?
#2: Si Jai ay doble ng timbang ni Flau. Ang timbang ni Flau ay 60% ng timbang ni Angel. Si Lester ay may timbang na 50% ng timbang ni Dan. Ang timbang ni Dan ay 190% ng timbang ni Jai. Saan nakatira si TJ?

Ayun, wala na akong masabi. Basta masaya yung rebyu. super enjoy. [ang mga pictures ay nandito]

***********


After 10 years, enrolled na din ako. Tumatangingting (tama ba?) na 19 units. yeba!
Mga subjects ko this sem:

EEE 33 - waaaaaaaaaa
EEE 34 - waaaaaaaaaa
Math 54 - super waaaaaaaaaa. si Ma'am Bargo ulit prof ko.
EEE 13 - waaaaaaaaaaa
English 30 - I taken this cause the other Englishes have no slots na that is fit in my schedule. needs improving my Englishing. shucks.
CWTS - aaack. may Saturday class ako!!!
Kasaysayan 1 - after kong kumuha ng Kas2 nung 1st year 1st sem, sabi ko hindi na pa ako kukuha ever ng Kas pero eto, may kas1 ako kasi nung hapong iyon, relatively, ang dami pang slots. tsaka kailangan ko rin kasi ng Phil. Studies
PE2 - magpre-prerog pa ako

***********

Isang hapon, mag-isa at wala akong magawa sa boarding house kaya nagpunta akong fully booked at bumili ng MacArthur at Tikman ang Langit [an anthology of the Eraserheads]. Nung May ko pa gustong magkaroon nitong pinaka-latest na libro ni Bob Ong pero nung isang araw nag-iisa na lang ang kopyang ito sa National Bookstore. Hinihintay kong bitawan ng lalaking ang libro pero sa kasamaan palad, wala eh kaya ipinagpatuloy ko ang aking pakikipagsapalaran upang makahanap ng MacArthur sa Fully Booked.

Sobrang natuwa ako dun sa mga libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKo!, Paboritong Libro ni Hudas at Alamat ng Gubat. Pero iba yung libro niya ngayon. Matapos kong basahin ang unang chapter, tinigil ko ang pagbabasa at nag-switch sa Tikman ang Langit.

Hindi ako mahilig sa Eraserheads at hindi ako mahilig sa music. ok. ok. Meron yung time na yun nung grade school na MTV adik ako at super fan ako ng I'll-never-ever-ever-ever-let-you-go Westlife (hanggang ngayon, fan pa rin ako ng Westlife at When You're Looking Like That pa rin ang theme song ng buhay ko) pero generally, wala na akong hilig sa music ngayon pero hindi ko alam kung bakit ko binili yung Tikman ang Langit. Siguro dahil sobrang ganda ng cover. O siguro dahil gusto ko yung ultraelectromagneticjam.

Ilang essays na lang ang hindi ko nababasa sa libro pero medyo nag-iba yung tingin ko sa E-heads. Before reading this book, gusto ko na yung mga kanta nila pero after reading, sobrang astig na ng dating sa akin ng E-heads. Kasi nga yung mga kanta nila eh about life, youth and being Filipino pero yung lyrics eh sobrang... a ewan di ko ma-describe, simple lang pero napaka-meaningful. Tsaka hindi sila yung mga ibang punk/rock bands ngayon na dinadaan na lang nila sa ingay at porma.
***********

Nanalo pala ang DLSU Archers sa Nike Summer League (NSL) 2007. Yay! Yay! Yay! There's something about DLSU kaya ko sila sobrang gusto ever since nag-start yung NSL. At hindi yun dahil green ang color nila. weeeeee
***********

Pasukan bukas pero hindi ako tinatamad/nae-excite. At malamang, di ako masyadong makakapag-update sa blog na ito. Wala lang.
Tatapusin ko na lang yung MacArthur.

1 comment:

Unknown said...

Wow. That's intense >.<

I really like your blog. It's so cute!

slightlysane.i.ph