This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

5.24.2007

alam niyo ba na sa UP...

nakakatawa. malafreshman survival kit content ang post na ito. naaaliw lang ako basahin ang mga ito dito.

  • Ang ISMED ay ibinigay ng mga Hapon.
  • Ang taas ng Oblation ay 3.5 meters. Ito ay nagsisimbulo ng 350 taon ng pananakop ng mga Kastila.
  • Ang orihinal na estatwa ni Bonifacio sa Balintawak ay nalipat sa harap ng Vinzon’s Hall.
  • Ang kulay ng mga pangunahing gusali ay itinulad sa kulay ng mga gusali sa Harvard University.
  • UP lang ang may simbolong tao sa lahat ng mga unibersidad.
  • May 12 flagpoles sa University Avenue.
  • May 22 poste ng ilaw sa university avenue.
  • Ang Beta Way ay 227 metro ang haba.
  • Ang AS Walk ay 302 metro kahaba.
  • 1952 ng itinayo ang pinakamatatandang bulwagan sa UP; Bulwagang Benitez at Malcolm at Bulwagang Palma at Melchor.
  • Merong 224 parking slots sa AS parking lot.
  • Ang UP Post Office ay dating nasa malapit sa Vanguard building bago ito lumipat sa gusaling malapit sa SC.
  • Mayroong 281 puno ng acacia sa academic oval, 109 sa outer lane at 172 sa inner lane.
  • Isa lang ang intersection sa UP na gumagana ang traffic lights. Ito ay ang intersection ng Eng’g at tennis courts.
  • Ang Acad Oval ay may 16 na humps.
  • May tatlong elevators sa UP: sa mainlib, cba, at eng'g.
  • Isa lang ang coconut tree sa sunken garden.
  • Ang lagoon ay dating golf course.
  • ang kamia residence hall lang ang dormitory sa UP na walang basketball/volleyball court
  • may 25 steps ang AS steps.
  • ang bluebook ay may 12 pages at 27 writing lines per page. at mas mura ng 25 cents pag sa coop ka bumili.
  • dati sa PHAn kung saan naroon ang UPCAT office may pusa na ang pangalan ay surprise: Upcat. ngayong lumipat na ang UPCAT office sa pagitan ng educ at bio, dun din nagsilipat yung mga descendants ni Upcat. Dineklara na nga ng BOR na endagered species sila eh casi inu-uwi ng mga UPCAT applicants para daw pang goodluck charm.
  • Ang kalye sa pagitan ng Educ at PHAN ay Africa Street.
  • sa UP lang (ata) may prof na pumapayag mag yosi sa loob ng classroom ang estudyante.
  • Ang MAINLIB ang original ADMIN office ng UP. 9 Floors ang original design nito. May elevator ito at sa isang floor dalawa ang pinto nito!!! Forbidden ang access sa archives. Kailangan mo ng "Act of Congress" para mabuksan ang mga student files noong 'WW2'.
  • May "ninja" sa 3rd floor ng Vinzon's Hall at may "masahista" sa loob ng (photography) dark room ng Philippine Collegian.
  • May basement pa noon ang Palma Hall. Noong panahon ni Marcos at Martial Law, doon nagtitipun-tipon ang mga tinaguriang "intelektwal" sa iba't-ibang larangan upang pag-usapan ang mga nangyayari sa panahon.
  • May kwadra ng kabayo sa College of Fine Arts. Dati rin itong Veterinary Hospital.
  • Ang Sundial sa tabi ng NCTS building ay hindi dati doon nakalagay.
at ang pinaka-malufet:
  • Sa Sarah's mo lang pwedeng murahin ang ibang prof ng harap-harapan.

2 comments:

brokensunset said...

ay sus. kunak man na haan ka excited tata na school year

brokensunset said...

halata bang ang adik ko?!