[DISCLAIMER: Mukhang nobela ang liham na ito pero sana po tapusin niyo ang pagbabasa. Please. Please. Please. Salamat. ]
Oktubre 20, 2006 Biyernes
Sa aking upuan na si Melo,
Magandang araw. Ito na marahil ang huling ng ating pagsasama dito sa kas2. May exam nga pala ngayon tungkol sa mapa ng asya. Alam mo bang hindi ako nakapag-handa/ nakapag-aral para dito dahil nag-DotA ako hanggang hatinggabi? Joke. Nakapag-handa naman ako… sa tingin ko.
Pinalaynilayan ko ng isang oras kung anong dapat kong ilagay sa liham na ito.
Sige, umpisahan natin dun sa mismong pagpili ko ng Kas2 bilang isa sa mga GE ko. Alam mo bang napilitan lang akong kumuha ng kas2? Nung nag-prenlist ako nung summer, Kas1 ang pinili ko dahil Philippine studies yun (kailangan ko kasi ng 6 units na Phil. Studies sa kurso). Hindi ko yun nakuha kaya nung registration, prinoblema ko kung ano pa yung isang GE ko na kukunin. Sabi nung babaeng pinagbigyan ko ng form5A, kas2 na lang kunin ko. Ewan ko kung bakit. Siguro naiinip na siya na titignan akong pumili ng subject na kukunin.
Sa totoo lang, wala akong hilig sa Kasaysayan. Naalala ko nung high school, natutulog/ kumakanta/ nagdrodrowing/ nakikipag-usap sa kaklase lang ang ginagawa ko tuwing History/Social Studies. Nung high school, naging mangmang ako sa mga bagay bagay ng Caste system, Nirvana, Buddhismo, Shogunato at Chin Dynasty.
Pero sabi ko, magbabago ako sa college. Gusto kong balikan ang mga leksyon na hindi ko natutunan nung high school. Kukuha ako ng Kasaysayan.
Naalala ko nung unang meeting sa Kas2. Nakaupo pa ako sa harapan, yung gitna ng klase. Nagsusulat ng mga mahahalagang bagay o anunsyo na sinasabi ni prof. Binalaan niya kami. Sinabi yung mga realidad sa klase at tsaka yung mga requirements sa klase. Syempre, ganado pa ako nung mga panahong iyon. First week of classes. Excited. Energetic.
Nung magsimula na ang mga aralin, nababagot na talaga ako. Alam mo ba kung bakit ikaw ang napili kong maging upuan. Dahil malapit ka sa pintuan at malapit sa pader. Pag ako’y aantukin, meron akong sasandalan at pag dismissal na, mabilis akong makakalabas.
Wala nga pala akong klase bago ang kas2. Break ko mula 11:15 hanggang 1:00pm. May mga panahon na ayaw ko nang dumating 1pm. Hindi mo rin ako nakikita na nakatambay sa labas ng PH214 bago 1pm. Hindi dahil sa may balak ako na hindi na pumasok sa klase. Ayaw ko lang kasi yung mga kaklase ko sa kas2. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa mga kaklase ko. Alam mo yun, yung wala silang ginagawa sa yo, basta ayaw mo lang talaga sa kanila. Dito lang sa kas2 yung hindi ko magustuhan ang “environment”. May feeling kasi na parang lahat sila super excited dun sa mga lessons; lahat sila parang napaparticipate; lahat sila interesado. May mga oras na sila ay natatawa sa mga ganito at ganyang jokes pero ako hindi. Naalala ko yung joke tungkol sa steppe. Tumawa sila dun tapos ako hindi. Nagets ko naman pero hindi lang ako natatawa. Nakakainis. Para akong alien.
Alam mo bang ang ipinasa ko lang ata na exam ay ang una at huling exam. Ano bang nangyari dun sa mga iba pang exam? Alam mo ba, kahit hindi halata, nag-aaral din naman ako para dun sa mga exam na yun eh kaya lang hindi lumalabas yung mga inaral ko o di kaya’y nagsasabay sabay ang mga exam ko mga subjects kaya minsan konti lang yung narereview ko tapos hindi pa lalabas sa exam yung nareview ko na yun.
Pero kung titignan mo, kasalanan ko pa rin diba kasi pwede naman akong mag-aral mga ilang araw bago yung exam para hindi ako nagka-cram dun sa gabi bago yung exam. Diba? Diba? Sayang nga lang at natutunan ko lang yun nung exam para sa Timog Silangang Asya. Alam mo bang 36/40 ako dun at hindi pa nache-check yung ibang mga parte dun ha! Achievement!
Pero interesado ako. Pramis. Alam mo ba na nung nag-meeting kami para sa AVR presentation namin, nag-absent ako sa scrabble class ko. 8-10am kasi yung scrabble class at 8am din yung meeting namin. Binalak ko na umattend na lang dun 10-12 na class ng scrabble pero pag dating ko dun ay even ang number ng players so wala rin akong kalaro kaya bumalik na lang ako dun sa meeting. Alam ng nakararami na idea nina Ate Jen at Ara yung shadow play at sina Charles at Greg naman dun sa script at kwento pero alam mo ba ako kaya ang conceptualize kung paano gagawin yung mga mismong puppets. Pramis! Ako kaya ang may idea kung paano gagawin yun. Pramis! Ako kaya ang unang gumawa ng shadow puppet tapos dun na nila ibinase yung mga ibang characters na ginamit.Laptop at speakers ko nga rin pala ang ginamit para sa AVR presentation. Tapos ako rin yung nagdala nung paper cups nung AVR presentation na siyang pinaglagyan nung NIPS na nilaklak nung mga player1 ng iba’t ibang mga grupo. At nung food feast, nag-grocery ako nung ilan sa mga ingredients na kailangan para sa lulutuin namin. Tapos may mga gamit din ako na kinuha mula sa aming boarding house. Hindi yun kasama dun sa nacompute na pagcocontribute-an ng grupo ha. Hindi naman sa gusto ko silang singilin noh. Heller?! Gusto ko lang sabihin ang aking mga “contributions”. Ako nga rin pala ang tagapa-xerox ng mga hand-outs ng ibang grupo para magkaroon ng kopya ang bawat membro sa grupo namin (maliban na lang dun sa huling 2 report)
May effort naman ako kahit papaano, diba? Diba? Diba?
Tingin mo, ano kaya ang grade ko? Alam mo ba na 1.25 ang dream grade ko dito. Pero deserve ko naman ang tres, diba? Diba? Diba? Alam mo ba kung bakit tres? Kasi may ES1 ako, engineering science 1: Drafting. Di pa naman binibigay yung final exam namin dun pero alam mo ba, 60% ang target grade ko para pumasa pero medyo tagilid eh. Pramis. Mahirap yung exam namin. Tanungin mo pa mga blockmates ko. Kung babagsak ako dun at dito sa kas2, baka ma-warning/probation ako. Wag naman baka mapaalis ako Eng’g. Oh. No. Please. No. I love Eng’g. I want to stay in Eng’g. I will stay in Eng’g kasi hindi ako ma-warning/probation kasi tres ako dito sa kas2, diba? Diba? Diba?
Napahaba yata tong sulat ko a. Ano ba?! Di ka naman pala marunong magbasa. Paalam na nga.
Ang estudyanteng hindi nag-vandal sa iyo
Danielle P. Padilla
NOTE: sa maniwala kayo't sa hindi, ito ang isinubmit kong letter of evaluation para sa Kas2 class ko. Nirequire kasi kami na magsubmit ng isang letter tungkol sa kas2 class. kahit sino pwede mong gawan ng sulat.
1 comment:
:))
Grabe ka.. Matutuwa sa 'yo prof mo. Sana nga maka tres o dos o uno level ka sa kas2. Dahil sa letter na yan. Haha. Sana nga lang basahin ng prof niyo. Binabasa naman niya di ba? Ayan, sali ka sa staff ng ERGlink! Pwedeng pwede ka. Pramis. :)
Sige, ingat. Enjoy mo sembreak mo! :) Ay.. Natin. Hehe.
Post a Comment