This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

10.28.2006

...

An open letter to all my high school batchmates, teacher and other people who became a part of my high school life:

Hoy! Kamusta na kayong lahat? Sana ay wala kayo sa mabuting kalagayan, sana ay may depressed, nabuntis, nakabangga, nagtanan, nakipagbreak sa boypren o gelpren, nagkikipagaway, nag-asawa na o napatalsik sa eskewlahan; para naman meron tayong mapagtsismisan. Joke lang. Seryoso. Kamusta na kayo? Sembreak ko na at gusto ko kayong makitang lahat kahit yung mga kinakainisan ko. Hoy! Magpakita naman kayo! Badtrip-in niyo uli ako.

Seryoso na ulit. Nagpunta ako sa Lorma San Juan kahapon. Una kong binisita ang library. Suki ako ng library. Dito ako nagrereview pag may mga quizbee. Dito nagaganap ang mga meetings ng Insights at CCE. Dito rin minsang tumira si Arwana na ilang beses din akong pinagalitan. Ahihihi. Namiss ko si Ma’am MJ ang librarian na super bait sa akin. Hahahaha. Bigla kong naalala nung gawaan na ng thesis, lahat andito na sa library. Yung iba, hindi naman talaga nagreresearch, gumagamit lang ng computer. Nagrereview si Valerie at Denica para sa regional quizbee ng Namnama. Hahaha. Kasali din ako dati dyan. Ang saya sumali sa sirib quizbee. Da best.

Nakita ko ulit si Ma’am Jaime, Sir Dacanay, Ma’am Subala at si Ma’am Villar. Wala naman bago. Na-meet ko na rin yung kapatid ni Jorge, si Patricia. Second year student pala siya sa Lorma. Pumunta ako sa 1st floor. Ngeks. Nilipat na pala sa LRC ang Insights office. Mas maraming na yung table. Haha. Busy ang staff para sa first issue nila. Nagkalat ang mga articles at kung anu-ano pa. Hindi na siya conducive for pagtambay at pagtulog.

Kwentuhan pa konti tapos umalis na kami nina Faye, Jonee at Michelle. Nakasalubong namin palabas si Ma’am Garabiles. Na-miss ko rin siya. Kamusta raw ang college, tinanong niya. Masaya raw ba? Sabi oo.

Pero ewan. Masaya ang college pero hindi ganito yung ine-expect ko dati. Nakakapagod ang college. Magulo. Naaalala ko, dati ako yung sabik na sabik na matapos na ang high school. Parang nung fourth year, nag-aantay na lang ako na mag-college. Habang marami sa inyo ay parang takot pa na mag-college, iwan ang mga kaibigan at kaklase, ako naman ay hindi na makapaghintay pa.

Pero ngayong college, may mga panahon na binunuksan ko yung computer ko at tinitignan lahat ng mga high school pictures dun. 4 galileo, up namnaman, apec, buwan ng wika, cadt training, campus idol, Christmas party, battle of the bands, 2 einstein, 3 dalton, fieldtrips, graduation, cce month, intrams, lujc/dspc, prom, retreat at yearbook pictures. Tapos nun, ipapatugtog ko yung playlist na pinapakinggan ko dati habang gumagawa ng thesis at tsaka yung website na requirement sa computer.

Nakakahiyang aminin pero namimiss ko ang high school. Namimiss ko yung panahon na napaka-simple lang nga mga bagay. Dati sinasabi ko na ang hirap ng high school; kung anu-anong pinapagawa na wala namang kwenta. Pero ngayong nasa college na ako, naiisip ko, pa-easy-easy lang pala ako nung high school. May mga panahon na gusto ko ulit mag-high school.

Gusto ko ulit pumasok sa isang building lang. Gusto ko ulit ng gala at CAdT uniform. Gusto ko ulit ng may section. Gusto ko ulit pumasok sa school na hindi pa nakakagawa ng assignment at di nagbasa ng lessons. Gusto ko ulit ng hinahatid at sinusundo. Gusto ko ulit mag-quiz at exam na hindi nag-aaral. Gusto ko ulit gumawa ng mga projects isang araw bago ang submission. Gusto ko ulit umuwi sa bahay pagkatapos ng klase, kumain, at mag-internet buong gabi. Gusto ko ulit makipagkwentuhan tuwing recess at lunch break. Gusto ko ulit kumain ng chicken strips at ginataan. Gusto ko ulit ng mga Physics experiments. Gusto ko ulit magsuot ng ID. Gusto ko ulit magdecorate ng classroom. Gusto ko ulit ng mga monthly activites gaya ng Buwan ng Wika, Nutrition month, intrams, CCE month, campus idol, etc. Gusto ko ulit sumali sa Sirib quiz show, MTAP Math Quizbee, press conference, apec website making, etc. Gusto ko ulit ng field trip. Gusto ko ulit isipin na thesis ang sagot sa lahat ng problema ng mundo. Gusto ko ulit umupo sa ibabaw ng book shelf o teacher’s table. Gusto ko ulit ng class adviser. Gusto ko ulit ng mga permanenteng kaklase at permanenteng schedule. Gusto ko ulit ng kopyahan pag seatwork at homework. Gusto ko ulit ng “sharing insights”. Gusto ko ulit ng mga group activities. Gusto ko ulit ng mga matataas na grade. Gusto ko ulit ng retreat. Gusto ko ulit tumambay sa Insights office. Gusto ko ulit tumambay sa library. Gusto ko ulit dumaan sa fire exit tuwing class hours para bumili ng pagkain. Gusto ko ulit ng away ng mga grupo grupo. Gusto ko ulit ng tsismis. Gusto ko ulit mag-CAdT form.

Gusto ko ulit mag-prom.

Gusto ko ulit kasama sina Faye at Jonee. Gusto ko ulit makasama sina “senator” at “LR”. Gusto ko ulit kiligin tuwing makakasalubong o kakausapin ako ni Aaron. Gusto ko ulit iasar kay Morris. Gusto ko ulit makipagkantahan at makipaglokohan kay Jorge. Gusto ko ulit mag-pamela-count-of si Chicky. Gusto ko ulit makitang lumandi si Andrew. Gusto ko ulit pumunta si Lester sa 4Galileo classroom. Gusto ko ulit marinig kumanta si Czarina at Zeena (one love). Gusto ko ulit marinig mag-Ilokano si Eden. Gusto ko ulit makitang tumawa si Dian (na nakapikit. Wahahaha). Gusto ko ulit magsuot ng maling uniform si almira at Shema. Gusto ko ulit ng Pink (joyce) at Yellow (danya). Gusto ko ulit makita ang Bang Jeep (Bang jeep pa rin ba kayo?). Gusto ko ulit mag-ingay sina Kaleb, Keithlyn at Vicki. (Ooopps, di pala sila nag-iingay). Gusto ko ulit magmura si Michelle at Reina. Gusto ko ulit mang-asar at magpa-iyak si James. Gusto ko ulit pagkaisahan ng buong klase si Marvin. Gusto ko ulit marinig ang mga hirit ni Dino (jerk, loser, in your face, etc). Gusto ko ulitmagkikay-kikayan sina Jade at Kharl. Gusto kong magbasa ng tongue twister na maraming si Raymark. Gusto ko ulit tumugtog sina Ralph, Bernard at Aaron. Gusto ko ulit makita sina Ronie, Caasi, Kerwin, Lupanch, Dj, Julio, Mio, Emman, Adona, Cristy, Fema, Mary, Donna, Reina, Kim, Dana, Eden, Lennie, Aiza, Jezebel, Christine, Ada, Sheryl, Althea, Joan, Reinalym, Abie, Khero, Joanna, Krista, hazel, daphne, Hannah, gladys, shane, Kathy, aldriah, Annette, kharl, wilfredo, conrado, benjoe, amit, nicolo, alvin, brylle, van at dania. Wahaha. Sana wala akong nakalimutan. Ang ilan sa inyo ay kinakainisan ko pero gusto ko parin kayong maging part eng HS life ko kasi kung wala kayo, boring na.

Gusto ko ulit mag-flag ceremony.

10.14.2006

guess who

Dahil as in super namimiss ko ang high, napagtriptripan ko ngayon ang mga kaklase ko dati. Sa mga batchmates ko, eto, try niyong sagutan. Hulaan niyo kung sino yung tinutukoy sa bawat linya.

1. emotionless
2. "sinong kumuha ng fudgee bar ko?!!!"
3. "I thought it's Friday" (hint: second year. Mali yung uniform nya)
4. Akala niya tuesday (hint: fourth year. same as above. wahaha)
5. yellow
6. "Sinong naglagay ng gold fish sa bag ko?!" (hint: first year)
7. Manny Pacquiao
8. "anong scandal yan? panood!" (maraming possible answers dito pero +5 pts ang may sagot na kapareho ng akin)
9. kinirogkirog
10. just for kikays
11. "asaness"
12. "asa" (hint: kakambal niya si #11. Siya rin ang nagpa-uso ng "spirits")
13. "girls get it", "hi ma'am tk!"
14. meow
15. catch a falling star and put in your pocket...
16. "kung wala ka.... ooohhh..."
17. shut up, loser, jerk, in your face
18. butterfly
19. drunken master
20. S is for... (refer to your Cadt notes)
21. chuchal
22. stiff neck (hint: first year.. hehehe)
23. bakit ganun mukha lang niya maputi?! (wahahaha!!!)
24. ewan, ang emotional (medyo marami ata possible na sagot dito pero +15pts ang sagot niyo ay kapareho ng akin)

o, ano pang hinihintay niyo, e-mail your answers to danyelli@gmail.com
deadline of submission: November 3, 2006
may prize ang may pinakamataas na score

10.12.2006

hay....


I miss high school.

10.05.2006

kas2 evalutation letter

[DISCLAIMER: Mukhang nobela ang liham na ito pero sana po tapusin niyo ang pagbabasa. Please. Please. Please. Salamat. ]


Oktubre 20, 2006 Biyernes


Sa aking upuan na si Melo,


Magandang araw. Ito na marahil ang huling ng ating pagsasama dito sa kas2. May exam nga pala ngayon tungkol sa mapa ng asya. Alam mo bang hindi ako nakapag-handa/ nakapag-aral para dito dahil nag-DotA ako hanggang hatinggabi? Joke. Nakapag-handa naman ako… sa tingin ko.


Pinalaynilayan ko ng isang oras kung anong dapat kong ilagay sa liham na ito.


Sige, umpisahan natin dun sa mismong pagpili ko ng Kas2 bilang isa sa mga GE ko. Alam mo bang napilitan lang akong kumuha ng kas2? Nung nag-prenlist ako nung summer, Kas1 ang pinili ko dahil Philippine studies yun (kailangan ko kasi ng 6 units na Phil. Studies sa kurso). Hindi ko yun nakuha kaya nung registration, prinoblema ko kung ano pa yung isang GE ko na kukunin. Sabi nung babaeng pinagbigyan ko ng form5A, kas2 na lang kunin ko. Ewan ko kung bakit. Siguro naiinip na siya na titignan akong pumili ng subject na kukunin.


Sa totoo lang, wala akong hilig sa Kasaysayan. Naalala ko nung high school, natutulog/ kumakanta/ nagdrodrowing/ nakikipag-usap sa kaklase lang ang ginagawa ko tuwing History/Social Studies. Nung high school, naging mangmang ako sa mga bagay bagay ng Caste system, Nirvana, Buddhismo, Shogunato at Chin Dynasty.


Pero sabi ko, magbabago ako sa college. Gusto kong balikan ang mga leksyon na hindi ko natutunan nung high school. Kukuha ako ng Kasaysayan.


Naalala ko nung unang meeting sa Kas2. Nakaupo pa ako sa harapan, yung gitna ng klase. Nagsusulat ng mga mahahalagang bagay o anunsyo na sinasabi ni prof. Binalaan niya kami. Sinabi yung mga realidad sa klase at tsaka yung mga requirements sa klase. Syempre, ganado pa ako nung mga panahong iyon. First week of classes. Excited. Energetic.


Nung magsimula na ang mga aralin, nababagot na talaga ako. Alam mo ba kung bakit ikaw ang napili kong maging upuan. Dahil malapit ka sa pintuan at malapit sa pader. Pag ako’y aantukin, meron akong sasandalan at pag dismissal na, mabilis akong makakalabas.


Wala nga pala akong klase bago ang kas2. Break ko mula 11:15 hanggang 1:00pm. May mga panahon na ayaw ko nang dumating 1pm. Hindi mo rin ako nakikita na nakatambay sa labas ng PH214 bago 1pm. Hindi dahil sa may balak ako na hindi na pumasok sa klase. Ayaw ko lang kasi yung mga kaklase ko sa kas2. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa mga kaklase ko. Alam mo yun, yung wala silang ginagawa sa yo, basta ayaw mo lang talaga sa kanila. Dito lang sa kas2 yung hindi ko magustuhan ang “environment”. May feeling kasi na parang lahat sila super excited dun sa mga lessons; lahat sila parang napaparticipate; lahat sila interesado. May mga oras na sila ay natatawa sa mga ganito at ganyang jokes pero ako hindi. Naalala ko yung joke tungkol sa steppe. Tumawa sila dun tapos ako hindi. Nagets ko naman pero hindi lang ako natatawa. Nakakainis. Para akong alien.


Alam mo bang ang ipinasa ko lang ata na exam ay ang una at huling exam. Ano bang nangyari dun sa mga iba pang exam? Alam mo ba, kahit hindi halata, nag-aaral din naman ako para dun sa mga exam na yun eh kaya lang hindi lumalabas yung mga inaral ko o di kaya’y nagsasabay sabay ang mga exam ko mga subjects kaya minsan konti lang yung narereview ko tapos hindi pa lalabas sa exam yung nareview ko na yun.

Pero kung titignan mo, kasalanan ko pa rin diba kasi pwede naman akong mag-aral mga ilang araw bago yung exam para hindi ako nagka-cram dun sa gabi bago yung exam. Diba? Diba? Sayang nga lang at natutunan ko lang yun nung exam para sa Timog Silangang Asya. Alam mo bang 36/40 ako dun at hindi pa nache-check yung ibang mga parte dun ha! Achievement!


Pero interesado ako. Pramis. Alam mo ba na nung nag-meeting kami para sa AVR presentation namin, nag-absent ako sa scrabble class ko. 8-10am kasi yung scrabble class at 8am din yung meeting namin. Binalak ko na umattend na lang dun 10-12 na class ng scrabble pero pag dating ko dun ay even ang number ng players so wala rin akong kalaro kaya bumalik na lang ako dun sa meeting. Alam ng nakararami na idea nina Ate Jen at Ara yung shadow play at sina Charles at Greg naman dun sa script at kwento pero alam mo ba ako kaya ang conceptualize kung paano gagawin yung mga mismong puppets. Pramis! Ako kaya ang may idea kung paano gagawin yun. Pramis! Ako kaya ang unang gumawa ng shadow puppet tapos dun na nila ibinase yung mga ibang characters na ginamit.Laptop at speakers ko nga rin pala ang ginamit para sa AVR presentation. Tapos ako rin yung nagdala nung paper cups nung AVR presentation na siyang pinaglagyan nung NIPS na nilaklak nung mga player1 ng iba’t ibang mga grupo. At nung food feast, nag-grocery ako nung ilan sa mga ingredients na kailangan para sa lulutuin namin. Tapos may mga gamit din ako na kinuha mula sa aming boarding house. Hindi yun kasama dun sa nacompute na pagcocontribute-an ng grupo ha. Hindi naman sa gusto ko silang singilin noh. Heller?! Gusto ko lang sabihin ang aking mga “contributions”. Ako nga rin pala ang tagapa-xerox ng mga hand-outs ng ibang grupo para magkaroon ng kopya ang bawat membro sa grupo namin (maliban na lang dun sa huling 2 report)


May effort naman ako kahit papaano, diba? Diba? Diba?


Tingin mo, ano kaya ang grade ko? Alam mo ba na 1.25 ang dream grade ko dito. Pero deserve ko naman ang tres, diba? Diba? Diba? Alam mo ba kung bakit tres? Kasi may ES1 ako, engineering science 1: Drafting. Di pa naman binibigay yung final exam namin dun pero alam mo ba, 60% ang target grade ko para pumasa pero medyo tagilid eh. Pramis. Mahirap yung exam namin. Tanungin mo pa mga blockmates ko. Kung babagsak ako dun at dito sa kas2, baka ma-warning/probation ako. Wag naman baka mapaalis ako Eng’g. Oh. No. Please. No. I love Eng’g. I want to stay in Eng’g. I will stay in Eng’g kasi hindi ako ma-warning/probation kasi tres ako dito sa kas2, diba? Diba? Diba?


Napahaba yata tong sulat ko a. Ano ba?! Di ka naman pala marunong magbasa. Paalam na nga.


Ang estudyanteng hindi nag-vandal sa iyo

Danielle P. Padilla


NOTE: sa maniwala kayo't sa hindi, ito ang isinubmit kong letter of evaluation para sa Kas2 class ko. Nirequire kasi kami na magsubmit ng isang letter tungkol sa kas2 class. kahit sino pwede mong gawan ng sulat.