This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

9.06.2006

after 10 years, nag-update din ako...

  • Umuwi ako sa La Union nung long weekend (August 19-21). Dala dala ko ang dalawang makakapal (as in super) kong libro sa ES1 at yung book ko sa Math 17. Dinala ko rin yung materials ko para sa Comm3 journal. Napaka-useless din ng pagdadala ng mga ito dahil wala rin akong nagawa / napag-aralan. Kain-tulog lang ginawa ko sa bahay. Well, lumabas din ako. Nagkita-kita kami nina Faye at Jonee. Hay, super miss ko na sila. Despite of the devastating state of weather, talagang nagkitakita pa rin kami. Nakita ko rin si Jorge. Waaaa. Tumaba siya pero ok lang. na-miss ko din si Jorge at lahat ng kalokohan namin. Wala na ang “killer looks” ni Dino. Angat ang level ng kagwapuhan. Tapos si Morris naman ay… ummm…may mga konting pagbabago sa kanya.
  • May ginawa kaming “kalokohan” nina Alvin at Aldrix after ng ES1 second long exam. Pamatay naman kasi tong second long exam sa ES1. Ano ba naman kasi yung nasa sectioning?! Parang bomba na korteng jet plane! O diba ang dali dali. Dapat may medic dun sa engg. At hindi dapat pinag-exam ang mga students sa 4th floor baka sila ay tumalon sa lobby after ng exam.
  • Kumanta ako ng Narda para sa second sign ni Kuya Earl at Magasin para sa first at second sign ni Kuya Archel.
  • Nagiging famous na ang isang bahagi ng math walk (hindi ito yung malapit sa sakayan ng jeep, ito yung daanan na magdadala sayo sa NIGS at CS) dahil sa isang incident na nangyari sa akin dun at yung isang tao dyan ay aliw na aliw ikwento sa iba ang mga naganap na pangyayari.
  • For the first time, natuwa ako sa Kas2. Food feast at kami pa mismo ang nagluto nung food na dinala namin. Haha. View all photos
  • Hindi ako nakapunta sa ERG night. Huhuhuhu. Nakuha na yung sigsheet namin.
  • Nakakatakot nga pala talaga yung room sa likod ni oble.
  • Member na ako ng UP Sillag. O diba, finally, may org na ako.
  • Ten things I can’t live without in UP.
    View all photos

  • Formal interview ko na (sa ERG) sa September 13. kinakabahan na ako. Wala pa akong presentation. Good luck na lang sa akin.

Belated happy birthday kina Papa (August 28), Carlo (August 29), Ate Lourdes (August 19). Advance happy birthday kina Alvin (September 10), James (September 13).

No comments: