This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

5.25.2006

halo halo

NASAAN NA SI MATT? Bakit ganun? Na-evict na naman ang isa sa mga paborito kong housemate. Dalawa na ang natanggal, si Matt at Nina. Go Mikee! Go Kim! IDOL! Ngayon na magkakaalaman pero hindi ako nanonood eh. Basta bet ko si Katherine. Go Katherine Mcphee! Balitaan niyo na lang ako kung sino ang nanalo, okay? IMPOSIBLE! Guys, wag niyong papalampasin ang Mission Impossible III. Ang ganda! Grabe! Pamatay ang mga explosions! MASAYA ANG BAWAL! I don’t know the details pero bawal ata ipalabas ang Da Vinci Code dito sa Pinas. Eh bakit yung libro di bawal? Tsaka hello! Bakit naman bawal? Dahil ayaw ng simbahan?! Kasi maapektohan nito an gating paniniwala? Hello! Ang alam ko fiction ang Da Vinci Code. Fiction. Fiction. Masyado namang nagpapadala ang isang manonood pag di na siya maniniwala sa diyos dahil sa napanood niya sa Da Vinci Code. Yung tungkol sa Priory of Scion (tama ba spelling), Mary Magdalene at yung anak daw nila Jesus ay FICTION. Pakana lang ni Dan Brown para makilala siya sa buong mundo. Papansin kumbaga. Bwahahahahaha!!! Meron na ako nung VCD, original pramis, na dokyu na ginawa ng National Geographic na sinasabi na walang katotohanan ang mga pinagsusulat ni Brown. Wala pa kasing pirating Da Vinci Code nun. Kung meron kayo, pahiram naman.

Ang tagal ko na ring di naka-post dito. Wala akong masabi eh. Wala na rin akong natatanggap na mga weird na phone calls. Mga weird na text messages, meron. Bwahahaha!!! Wala akong magawa. Kumakain lang ako at nanood ng tv all day. Paulit ulit kong pinanood ang mga movies na meron kami dito. Ang boring. Ito na ang pinaka-boring na summer vacation. Seryoso. Hindi kami nagpupuntang beach or some place else. Kasi naman no nagsisimula na ang tag-ulan. Ang lungkot.

Nga pala, basahin niyo dito sa laxtig (hanapin niyo na sa mga posts niya) yung lyrics ng Narda (Bakla version) ni Chokoleit. Super landi. Hindi ko kinaya ang mga salitang ginamit niya. Ang tindi!

Dahil feeling ako, ala livejournal ang post ko ngayon. O diba may user pic. Ang cute diba?

Last week pala, nilinis ko yung study table ko. At kung kilala niyo ako, alam niyo nang hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang paglilinis ko. Nahanap ko yung burn book ko. Ala mean girls. Isa yung makapal na libro, pula ang cover, binubuo ng mga pinagtagpi-tagpi kong mga coupon bond. Bawat student sa batch namin ay may isang page na naka-assign. Pag may feel akong sabihin dun sa tao yung pero hindi ko masabi nang personal (dahil kung nagkataon ay mauuwi ito sa suntukan, sabunutan at walang hanggang murahan), sinusulat ko yun sa burn book. Ngayong fouth year ko lang sinumulan ang project burn book (at alam niyo naman kung gaano ka-busy ang year na ito) kaya konti lang yung nasulatan ko. Pinunit ko yung mga pages na may sulat tapos binigay k okay Jhajha ang burn book para gawin niyang drawing book. Pero may isang page akong di napunit. Ito ay dun sa kaaway kong itatago natin sa scientific name na Corallus canina. Sabi ni Jaja “Ate sino tong si Corallus canina.” “Ay, kaaway yan ni Ate. Yan kasi yung burn book ko (napanood na rin niya yung Mean Girls kaya no need to explain)” sagot ko. “eh, bakit mo siya kaaway” “kasi isa siyang bobongpwet” Hindi niya naintindihan kaya di niya sa nagtanong pa. bwahaha.

End of story.

No comments: