This site is best view with 1024 x 768 resolution. Some of the images are from Deviantart and printmaster. Go to my multiply (or photobucket) site to view enlarged versions of the pictures here.

5.29.2006

nakakapagpabagabag

Hanggang ngayon, nililinisan ko pa rin ang study table ko at kanina lang ay nahanap ko ang mga class pictures ko nung elementary. Paulit-ulit kong tinitignan ang mga pictures. Normally, pag ginagawa to ng isang tao, ire-reminisce nya ang kanyang mga grade school moments – yung mga katuwaan, kalokohan, atbp. Pero dahil nga abnormal ako, may iba akong napuna dun sa mga litrato.



Kung papipiliin niyo ako kung anong set ng class pictures ang mas proud akong ipakita sa public, pipiliin ko yung mga grade school class pics ko. Hindi yun dahil mas cute at mas masaya ako nung nasa grade school ako kundi dahil matangkad ako noon. Napansin ko kasi na sa GS class pics eh dun sa mataas na row ang pwesto ko. Never pa akong nagkaroon ng class pic na nandun ako sa bottom row. Ka-linya ko pa nga sina Dian, Joyce, Jonee, Gerda, Jana, Vicki, at Dianne. Alam kong iniisip niyo na baka naman ganun ay dahil hindi naman gaanong matangkad ang mga kaklase ko. Wait lang, read on.


Naalala ko pa nung Grade 3 ako, sumali ako sa cheering squad ng Team A. (haha. Pag team A ako, dun lang ako sumasali sa cheering squad.) Ako yung pinakabata sa amin. Pero kung nakikita niyo dun sa picture, tuwing formation, hindi ako nasa harap. Pag iaayos ang formation according sa height, ang pwesto ko ay dun sa likod kasama nung mga grade 6 students. Kaya alam ko na matangkad talaga ako, hindi lang dahil sa hindi gaanong matatangkad ang mga kaklase ko.

Tapos nung high school, nag-enroll ako ng mga late April. Incoming freshman ako, at ako mismo yung nagpunta sa school para mag-enroll. Tinanong nung isang teacher (na hindi ko na matandaan kung sino) kung kapatid ko ba yung i-e-enroll ko. Sabi ko hindi, as in ako yung mag-e-enroll. Sabi niya, hindi raw kasi mukhang incoming freshman, ang tangkad raw kasi. (wala akong proof ng istoryang ito pero pramis totoo yan!)

Dati rin, sabi ng doktor ko na matangkad daw ako. Tuwing bumabalik ako for check up. Sinasabi niya na “ala! Ang laki mo na… Anong year mo na?” eh grade school pa lang ako nun. Pero iba na ang istorya ngayon. Recently, tinanong ko yung isa kong doktor kung pwede ko nang itigil yung vitamin ko para dun sa dugo kasi nga… mahabang explanation na naman. Kaya ayun, nagpalit ako ng vitamins. Tinanong ko rin kung meron/ ano ang pwede kong inumin pampatangkad. Natawa siya at tinanong kung balak ko bang sumali sa beauty pageant. Naman, wala akong balak na ganun. Gusto ko lang tumagkad. Masama bay un?

Balik tayo sa class pictures. High school class pictures. Putragis. Nasa bottom row ako. There are times nga na gusto kong i-edit ang mga pesteng class pictures para ilipat ko yung sarili ko dun sa mas mataas na row pero low class lang ang scanner ko at super liit naman ang mukha ko dun sa mga class pic. Kainis.

Ewan ko ba kung anong nangyari nung high school? Bakit di na ako tumangkad? Bakit 1 cm na lang ang itinatangkad ko kada taon? Dahil ba to sa kinakain ko? Dahil ba to sa oras ng pagtulog ko? Dati kasi as nung nasa GS pa ako, 8pm tulog na ako. Dahil ba to nakakalimutan kong uminom ng gatas? Side effect ba to nung vitamins ko? Dahil ba to sa pag-inom ko ng kape 3-5 times a day?

At eto pa, hindi lang sa mga class pics nagtatapos ang tangkad stories. Nung tinitignan ko rin yung mga group pictures namin ng mga best friends ko, ako rin yung pinaka-pandak (ouch!). Tapos dun din sa mga group pictures naming magpipinsan, kung di mo isasali yung mga pinsan kong 10 years old pababa, ako na naman ang pinaka-maliit (ouch!). Yung ngang hindi kami masyadong kilala ng kapatid ko ay inaakalang kuya ko si Lorenz dahil nga mas matangkad siya sa akin. Leche. Pati nga si Phia, na tinatawag naming ‘utit’ noon, ay mas matangkad na sa akin. Tapos I’m just a foot taller than my twin cousins. Pano na to? Ayoko na tuloy magpapicture at tumabi sa kanila. Huhuhuhu.

Tapos sinasabayan pa sila ni papa. Sinasabi niya ang bata pa lang daw nina jhajha at jhingjhing eh malapit na raw yung height nila dun sa akin. Baka raw mamaya, mas matangkad na sila sa akin at si Lorenz ay mukhang kuya ko raw!!! Waaa!!! Tapos sasabayan pa yan ni papa nung nakaka-insultong tawa niya.

Nabwisit ako nung sinabi nung isang tita ko (nangyari to nung nag-apply ako for APE, galing akong CS at hinihintay nila ako sa sasakyan) na hindi raw ako mukhang college freshman. Parang bata lang daw ako. Waaa!!! Para ko siyang gustong sakalin, itulak at ipasagasa dun sa dumaan na ikot jeep. Ganun ako ka-conscious sa height ko.

Importante sa akin ang height. Ewan ko pero feeling ko ang ganda ganda ng katawan mo pag matangkad ka. Ang saya saya kaya mag shorts at skirt pag mahaba legs mo at matangkad ka. Hindi ko na kailangang pang ipaputol yung pants na bibilhin ko tama lang naman sa akin, kasi matangkad ako. Ang pangit naman pag ang pandak mo tapos matangkad boyfriend mo (hmm… Bakit ko ba to naisip?) At pag may kaaway ka, ang saya kayang tingnan siya pababa at sabihing “ano, may angal?” Syempre, intimidated siya, tangkad mo eh! Alam kong ang babawa ng mga rason na yan pero importante talaga sa akin ang height. As in tatalon ako 246 ft above the ground pag tumangkad ako ng 7 inches. Alam ko na ako na ako na ang pinakamasayang tao sa mundo pag naabot ko na ang height na 5’9”. Bakit ba ganito? Ito na ba yung sinasabi nilang growth gap?

iyak ka na a

Iyakin ako. Noong bata nga ako, hindi ko lang makita yung tita ko na nagbabantay sa akin eh, iiyak na ako kaagad. Marami na ring movies na nagpa-iyak sa akin. Madaling tumulo ang luha ko. May masabi ka lang konti na nakaka-touch or nakaka-konsensya hahagulgol na ako. Yung mga mababang score sa exam at grade eh iniiyakan ko pa. Mababaw ako. Mapagsabihan/masigawan lang ako ni mama eh iiyak na ako. Minsan nga, pag nag-aaway kami ni jhingjhing, eh napapaiyak niya ako. pero dahil bata lang siya, kailangan ipakita ko na strong ako at kayang kaya ko siya kaya pinipigilan ko ang pagluha ko, at sinasabi sa kanya na "iyak ka na a... iyak ka na a..."

Pero yung nakita/nabasa ko sa computer ko (bago ako nag-type dito sa blogger) ay isa sa mga pinakamababaw na dahilan ng paiyak ko sa buong buhay ko.

5.28.2006

...

Bakit natanggal si Jamilla? Ang bet ko kasi sa big 4 ay si Mikee, Kim, Gerald at Jamilla. At ang gusto kong maging big winner ay si Jamilla, simply because she needs the money para dun sa anak niya. Well, she seems happy naman na natanggal siya…


Bakit si Taylor ang American idol?? Bakit? Bakit? As in super ine-expect ko na manalo siya. Pero ok na rin kasi simula ang alam ko eh puro babae ang mga nagiging American idol. So, it’s nice na rin… para naman maiba…


Masakit ang ipin ko. Waaa!!! Last week kasi ay %$%$#@$ (masyado na akong madaldal)
Pero sa lagay na to ay nakapaglaro pa rin ako ng taguan. Minsan nakaka-miss maging bata. Suuper mandaraya kami ni Lorenz. Lagi kaming nag-uusap kung 'black' o 'white' sa hompyang (tama ba yun?) para laging taya si Jhingjhing. Kawawang bata.


Advance happy nth birthday pala sa lola ko! (where n>60)


Eto pala ang logo naming mga eeefreshies. Astig? Astig! Hindi ako ang gumawa kundi yung blockmate ko na si Gino.


Last week pala ay naasiwa ako dun sa spelling ng 'bukas' ni Jorge. Ang gamit kasi niyang spelling ay 'bookas'. Sinabi ko sa kanya na di na ako kailanman gagamit ng mga words gaya ng "bwahahaha", "dalerbz" (na napulot ko sa... mali pa spelling ko), "chuva", "ek ek", "heler" at mga kung ano pang words na di nakikita sa dictionary. ang hirap pala kaya binabawi ko na yung sinabi ko noon.

5.25.2006

halo halo

NASAAN NA SI MATT? Bakit ganun? Na-evict na naman ang isa sa mga paborito kong housemate. Dalawa na ang natanggal, si Matt at Nina. Go Mikee! Go Kim! IDOL! Ngayon na magkakaalaman pero hindi ako nanonood eh. Basta bet ko si Katherine. Go Katherine Mcphee! Balitaan niyo na lang ako kung sino ang nanalo, okay? IMPOSIBLE! Guys, wag niyong papalampasin ang Mission Impossible III. Ang ganda! Grabe! Pamatay ang mga explosions! MASAYA ANG BAWAL! I don’t know the details pero bawal ata ipalabas ang Da Vinci Code dito sa Pinas. Eh bakit yung libro di bawal? Tsaka hello! Bakit naman bawal? Dahil ayaw ng simbahan?! Kasi maapektohan nito an gating paniniwala? Hello! Ang alam ko fiction ang Da Vinci Code. Fiction. Fiction. Masyado namang nagpapadala ang isang manonood pag di na siya maniniwala sa diyos dahil sa napanood niya sa Da Vinci Code. Yung tungkol sa Priory of Scion (tama ba spelling), Mary Magdalene at yung anak daw nila Jesus ay FICTION. Pakana lang ni Dan Brown para makilala siya sa buong mundo. Papansin kumbaga. Bwahahahahaha!!! Meron na ako nung VCD, original pramis, na dokyu na ginawa ng National Geographic na sinasabi na walang katotohanan ang mga pinagsusulat ni Brown. Wala pa kasing pirating Da Vinci Code nun. Kung meron kayo, pahiram naman.

Ang tagal ko na ring di naka-post dito. Wala akong masabi eh. Wala na rin akong natatanggap na mga weird na phone calls. Mga weird na text messages, meron. Bwahahaha!!! Wala akong magawa. Kumakain lang ako at nanood ng tv all day. Paulit ulit kong pinanood ang mga movies na meron kami dito. Ang boring. Ito na ang pinaka-boring na summer vacation. Seryoso. Hindi kami nagpupuntang beach or some place else. Kasi naman no nagsisimula na ang tag-ulan. Ang lungkot.

Nga pala, basahin niyo dito sa laxtig (hanapin niyo na sa mga posts niya) yung lyrics ng Narda (Bakla version) ni Chokoleit. Super landi. Hindi ko kinaya ang mga salitang ginamit niya. Ang tindi!

Dahil feeling ako, ala livejournal ang post ko ngayon. O diba may user pic. Ang cute diba?

Last week pala, nilinis ko yung study table ko. At kung kilala niyo ako, alam niyo nang hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang paglilinis ko. Nahanap ko yung burn book ko. Ala mean girls. Isa yung makapal na libro, pula ang cover, binubuo ng mga pinagtagpi-tagpi kong mga coupon bond. Bawat student sa batch namin ay may isang page na naka-assign. Pag may feel akong sabihin dun sa tao yung pero hindi ko masabi nang personal (dahil kung nagkataon ay mauuwi ito sa suntukan, sabunutan at walang hanggang murahan), sinusulat ko yun sa burn book. Ngayong fouth year ko lang sinumulan ang project burn book (at alam niyo naman kung gaano ka-busy ang year na ito) kaya konti lang yung nasulatan ko. Pinunit ko yung mga pages na may sulat tapos binigay k okay Jhajha ang burn book para gawin niyang drawing book. Pero may isang page akong di napunit. Ito ay dun sa kaaway kong itatago natin sa scientific name na Corallus canina. Sabi ni Jaja “Ate sino tong si Corallus canina.” “Ay, kaaway yan ni Ate. Yan kasi yung burn book ko (napanood na rin niya yung Mean Girls kaya no need to explain)” sagot ko. “eh, bakit mo siya kaaway” “kasi isa siyang bobongpwet” Hindi niya naintindihan kaya di niya sa nagtanong pa. bwahaha.

End of story.

5.17.2006

the phone call...

Kung bigla kang naka-tanggap ng phone call galing kay Sadako, ano'ng gagawin mo? Eh paano kung si Sadako eh hindi lang pinag-ring ang telepono mo, kinausap ka pa, ano'ng gagawin?
Ganito ang experience ko kanina. Biglang nag-ring yung isang telepono namin, yung walang caller id. Si JhaJha ang sumagot. Sabi niya, di raw niya maiintindihan yung caller. Ipinasa nya sa akin. Sabi ko "hello. sino 'to?". Syet, intake yung puso ko nung sinabi nung nasa kabilang line na "si zxcv*" Binaba ko kaagad yung telepono. Ang una kong naisip eh si zxcv talaga yun. Nagpaparamdam. gumaganti. Ano ba?! huhuhuhuhu. stop na.
Nagtaka sina Lorenz at Anti kung bakit binaba ko kaagad yung phone (with force talaga yung pagbaba ko). Nag-ring ulit. Si Anti ang sumagot. "Ano'ng spirit fm ka dyan!!! Maling number ang tinatawagan mo!!!" Tahimik ko na lang na itinuloy ang kung anumang bagay na ginagawa ko sa kompyuter ko.
hay... may dalawang hiling ako ngayon. ang isa ay may bahid ng kasamaan kaya di ko na lang isisiwalat.
Pag nagkatotoo ang mga hinihiling ko, ito ang mga bagay na handa akong gawin:
1. Hindi ko na aawayin pa si JhingJhing. Maging pantay na ang pagtrato ko sa kanila ni JhaJha.
2. Susundin ko lahat ng iuutos sa akin ng mga magulang ko.
3. Lilinisin ko na ang study table ko.
4. Hindi ko na i-edit ang mga pictures ng kaklase ko.
5. Hindi na ako manglalait ng tao.
6. Hindi ko na pagtritripan si zxcv*.
7. Hindi na ako magiging tsismosa.
8. Hindi na ako makiki-alam o kukuha ng gamit ng kapatid ko at parents ko.
9. Ibibigay ko na ang monitor ko sa kapatid ko. Ilang buwan na rin nyang hinihingi sa akin to.
10. Hindi ko na pagtritripan si zxcv*. (nasabi ko na pala 'to)

5.16.2006

update

Ang saya-saya naman may yahoogroup kaagad ang mga eeefreshies. ayos kasi I can get to meet some of my classmates/ blockmates. haha. para may kakilala ako agad sa first day.
***
Nag get-together kami Jonee, Faye at Joanna. hay, ilang buwan na naman bago kami magkikita-kita ulit. Ang dami kogn chika na nasagap. hahaha. parang feeling ko for the past month eh tumira ako sa planet pluto at ang dami kong na-miss na mga happenings dito sa earth. ano ba yan!
Marami pa sana akong sasabihin pero wala ako sa mood, I'm kind of depressed. Una, dahil dun sa nalaman ko dahil kay zxcv*. Pangalawa, dahil dun sa nalaman ko tungkol sa sarili ko. Marami na akong naka-away. Mas marami pala akong kaaway na hindi ko pa kilala. Minsan, ang sama pala ng feeling pag may nasasabi sila sayo "pag nakatalikod ka" ang masakit, yung wala kang masumbat kasi alam mong totoo naman yung sinasabi nila. They make me realize the bad person I've become.
Pero ayos lang. ayos lang. This depression will be gone in a few hours. balik super happy na naman ako bukas. ganun naman lagi. alam ko namang pag mas iniisip ko kung ang mga walang kwentang bagay na 'to, maloloka ako at tatandang dalaga. bwahahahaha!!!!!

5.13.2006

ano ba'ng bago?

Kahapon, nagpunta ako sa school para ibalik yung toga at para mag-"work" dun sa Insights folio and yearbook. Wala na daw yung second issue ng insights. we'll just have the folio. so instead na meron kaming column, informal essay na lang. hay, ano na naman kayang isusulat ko?

5.12.2006

Pasok sa Banga!

(may 9) Enrollment: briefing muna. dun sa college of engineering. I noticed na andaming guys (about 2/3of the pop.) sa department ko, which is EEE (yes, computer engineering ang kukunin ko). during the briefing the dean said something like "there are only two universities in the country: university of the philipines and others. there are only two colleges in UP: college of engineering and others." after that, we were advised about what subject to take, etc. nandun din yung student council ESC. ewan ko pero parang nakita ko si zxcv* siguro kamukha lang nya. siguro siya talaga yun. ESC naman sya eh. after nun, enrollment na sa palma. UP = University of Pila. It took me more than two hours para matapos sa registration.
(may 10) Freshmen Orientation: masaya. akala ko eh super formal na idi-discuss yung mga rules. anong bawal. matakot na kayo sahil hindi basta ang eskwelahang ito. anong dapat gawin para ma-survive ang college life. pero wala lang. it turned out to be masaya. it's like every two minutes eh nagtatawanan kami. ang cool ng mga hosts sina kuya benzon and ate marge. kaming mga UPian daw eh hindi lang simpleng "oo" ang sagot dapat "pasok sa banga!" so everytime they say "masaya ba kayo na nasa UP Diliman kayo?!" automatic ang answer, "pasok sa banga!" then most of the time kuya benzon and ate marge were making jokes like "'di na naman tayo mahirap a! sosyal tayo! mayaman tayo! sino ba kasing may sabing mahirap tayo''yung mga taga-katips at taga-taft'" "kung gusto niyong mag-swimming punta kayo dun sa Spain(UST, Espana) pag baha" "tayo lang ang mga olympic size na swimming pool. walang ganyan sa Spain" parang alam ko na kung paano nagsimula ang mga school jokes. Kumanta rin ang UP Chorale (yung soloist lang nila na super super galing), UP Broad Ass at UP Staff Chorale (super amusing). the last part was the presentation of the pep squad. tinuruan kami ng mga cheers at ang kanilang corresponding choreography. meron yung isang cheer na medyo natagalan kami matutunan. sabi nung isa sa pep squad "pag nakuha nyo to within two minutes, papasa kayo ng math 17". nakuha ko sya after mga three minutes. ano yun? sign ba ito na di ako papasa ng math 17? eh diba algebra at trigo yun? di ako papasa? ganun ba talaga kahirap ang math 17? eh engg naman ako, at may alam naman ako kahit konti tungkol sa math a! 5 units pa yun. ah hindi, papasa akong math17.
pag may nakikita akong mga magkakaklase/ school mates na super ingay, naiinis ako. bakit ganun? wala akong kasama. ang lungkot ng buhay ko. ayos lang makakahanap din ako ng buddy/friend sa pasukan.
(=Chika!=) medyo nawalan ako ng contact sa mga batch mates ko (except sina Faye, Jonee, Joanna and Jorge- na halos ka-chat ko every other day) some of the updates: Some of my GS and HS batch mates are going to SLU. Some of my batchmates are going to Lorma. May mga naging "sila", mag mga nag-break up. Merong pa ngang napapabalita na si Girl* at si Boylalush* ay mag-"on" na raw. (GG material na ba ako? haha. ASA.) Anyways, nachi-chika na itong si Girl at si boylalush ay mag-on na sa friendster daw napansin ng mga KO (Keen Observers) ang naturang mga pictures nilang dalawa. hay ewan. at merong din mga bulletin na pini-post itong si Girl* na may subject na "para kay (insert name here)" tapos dun sa message eh parang sinasabi niya na friends lang daw sila ni boylalush at na ang pictures nila ay "echus" lang. hindi ko dapat ipo-post to kaya lang napaisip na siguro papansin lang sila. Isipin niyo: bakit kailangan ni girl na ilagay sa bulletin ang mga gusto niyang sabihin kina (insert name here). diba? bakit hindi na lang niya bigyan ng private message ang mga KO? unless gusto nyang ipapansin sa lahat ang nabubuong isyu? diba? (ang sama ko.haha, ayos lang. wala na ako sa lorma at hindi na ako bounded by the rule na bawal magkalat ng gossip. to whom this may concern, mag-comment lang kayo pag may mali tungkol sa mga detalye. )

5.07.2006

basketbol!

Kahapon, tinanong ako ni Dian (di ko sure kung si Dian nga kasi di naka-register sa phonebook ko yung number, basta alam ko lang na si Dian yun) kung manonood ako ng PBA game sa sabado (May 13) sa Ortega Gym/sports center/whatever. Sabi ko, hindi ako manonood. Suprised ba kayo? Siguro akala niyo hindi ko papalampasin to. as in super di papalampasin. SMB eh. wesley! wesley! wesley! pero hindi ako manonood.
Bakit? una, hindi ko alam kung saan yang ortega gym na yan. seryoso. walang biro. Taga- San Fernando ako pero di ko talaga alam kung saan to. Pangalawa, wala akong pera/nagtitipid ako.
Wish ko lang eh pumunta yung Coca-Cola team at SMB (kasi Coca-Cola is under SMC eh) ay magpunta sa Coke Carlatan plant. Parang nung last time na nagpunta yung koponan ng Coca-Cola dito sa La Union, pumunta sila sa Coke plant para mag-sign ng mga Coke basketballs kaso di pa ako maka-PBA noon (si Lorenz nga ang nag-punta). 4am pa lang. nandun na ako.

5.01.2006

tips daw

Dear Phia, Jha Jha and Jhing Jhing,
Kaka-gradweyt ko lang sa high school. Natuwa ako dun sa tex ni uncle sitong na sana raw, ikaw, phia ay gumaya sa akin. Hahahahaha!!!!! Kaya eto papayuhan ko kayo nina jhajha at jhingjhing.

Mag-aral kayong mabuti. Alam kong marami na ang nagsabi sa inyo nito pero ganun talaga tp ka-importante kaya inuulit ko. Mag-aral kayong mabuti. Kapag hindi niyo yun nagawa, walang kwenta kayong gragradweyt at patuloy kayong iko-compare sa akin. Iwasan magkaroon ng line of 7 na grade. May mga unibersidad na ayaw na nagka line of 7 na grade ang estudyante. Pag-aralan in advance ang mga lessons. (Eto ang hobby ko pag dating sa mga math subjects.) Pilitin niyong gumawa ng mga matitinong research papers at formal theme. Wag puro copy paste hocus pocus mula sa internet lang ang i-submit. Kailangan nyo rin matutunan ang English. Kahit anong mangyari, dapat maging fluent kayo sa English. Wag gumaya sa ilang mga kakilala ko na baluktot ang Ingles

Pero dapat gumawa rin kayo ng konting kalokohan pag minsan. Batuhin ng eroplanong papel ang teacher. Mangupit ng buhok ng kaklase. Mang-away ng kaklase. Mapa-iyak ng kaklase. Manuntok ng kaaway. Mangopya kayo ng sagot ng kaklase. Magpakopya kayo. Pero MINSAN lang. ok? Tapos wag puro aral. Dapat ay matuto rin kayong makipag-chat, mag-friendster, gumawa ng blog. Ok? Dapat ay maging mahusay kayo sa paglalaro ng GTA, Free Style at Ran Online. Iba na pag well-rounded!

Masaya ang prom. ito ang high school memory na pinaka-itre-treasure mo. Haha. Magpakasaya ng husto sa inyong junior year. Gawin na lahat ng kalokohan para pwede ka nang mag-seryoso sa fourth year.

Pakiramdam ko kasi natapos na ang high school life nung third year ako at kaya lang ako nag fourth year ay para mag muni-muni at gumawa ng thesis.

Dapat pag dating mo ng fouth year, alam mo na dapat kung anong kukunin mong kurso sa college. Para hindi ka nagmi-mini-mynie-moe sa college application forms. Eto ang payo ko: kumuha kayo ng kursong magpapayaman sa inyo. Pero ang pre-requisite nyan eh yung kursong gusto niyo talaga, yung makakapag-pasaya sa inyo. Wag kumuha ng nursing dahil lang sa “in demand” at para makapag-abroad. Wag kumuha ng Management/ Engineering dahil yun ang gusto ng magulang mo. Wag kumuha ng architecture dahil lang yun ang course ng crush mo. Wag mag-aral ng law, medicine, architecture at engineering dahil lang sa gusto mong magkaroon ng “title” (ahem. Parang ako to -- dati. Haha. Kasi in the future, magiging plain “Ms.” lang ang title ko dahil kukuha na ako ng ____ secret muna.)

Wag muna kayong magboypren sa hayskul. sa college, mas marami kang makikilang super gwapo, super matalino, super responsible, etc… (di ko pa to napapatunayan, sabi sabi lang. Tex ko kayo pag totoo.) dyahe naman pag “in a relationship” ka na. Tandaan mo ring meron pang mga mas mahahalagang bagay kaysa sa pagiging cute at sweet.

Maghanap ka ng kaibigan, hindi barkada. Yung tipong maasahan mo kahit anong oras o sitwasyon, hindi yung game na game lang pag mga gimik o pag kailangang magpatutor sa algebra. Iwasan ang mga babaeng pag-aapply lang mga powder at lip gloss ang alam gawin. Iwasan ang mga conyo. Iwasan ang mga estudyante umiinom at naninigarilyo. Iwasan ang mga pinaghihinalaang drug users. Iwasan ang mga “plastik”. Dapat magkaroon kayo ng mga kaibigang weirdo, witty, madaldal at masayahin. Pero pwede mo yang baliwalain basta alam mong pinapahalagahan ka niya at totoo siya sayo. Dahil ang isang tao pag totoo siya sayo at pinapahalagahan ka, magiging kaibigan mo yan panghabambuhay.

Yan lang muna. Susulat ulit ako pagkatapos ko magtapos sa kolehiyo.