Naging sobrang saya ng week na ito para akin. Aside dun sa tambay week at comm3 challenge# 2, Ang daming mga significant events.
Nasabi ko na nga dun sa previous post ko na tambay week ngayon sa ERG. Mula nung carebears hanggang dun sa pirates of the carribean, naging masaya ang pagtambay ko sa ERG. Nung Thursday, ang theme ay justice league. Ako si Superman. Halos lahat ng mem eh pinagkamalan akong si Supergirl. Ayoko ko kasi si Supergirl, naka-miniskirt kasi siya. Mas astig si Superman, naka-brief! Hehe. Pero ako si Superman na nagsuot ng shorts at may kapa ni Drakula. Hehehe.
Arvin, Alvin, Ayi, Gene
hindi ito ang ERG tambayan. sa harap ng DILC yan. sayang di nakuha yung malaking sundial
ginawa para sa akin yung room sa DILC. green yung casing nung mga computers dun. maagang natapos ang klase namin sa ES1 kaya the set containing the block g9ers intersection the set containing the ERG applicants 06A ay tumambay muna sa ERG
may impromptu na presentation kami sa ERG. ang characters: si Flash at ang kanyang apat na clones, ang tatlong super girl (haha. naging supergirl na ako), isang estudyanteng nahihirapan sa ES1, isa pang student na nahihirapan sa EEE43, at syempre si ESman (justice league pa ba to?) Nawalan ng love team si flash at yung isa niyang clone kaya sila na lang ang nagsama. haha. uso na ang brokeback ngayon!
Gusto ko pa sanang tumambay sa ERG kasi masaya at medyo dumami yung mems na nandun (go! magpa-sign na!) kaya lang may klase sa ako sa Geography. Ayos lang dahil masaya naman ang geography. For the first time, napaka-active ang klase. astig!
Last Tuesday, we had our group interpretation sa Comm3. We're going to combine 2 songs ng beatle tapos di namin siya kakantahin, magiging speech choir dapat ang dating. maganda naman yung performance.
So, for our Comm3 challenge#2, we're going to perform that group presentation in three different places in UP where in there are at least 10 people tapos yung sampu na yun dapat hindi mo tinawag or something. dapat bigla bigla na kayong magpeperform at bahala na ang mga mga tao kung kayo'y kanilang papansinin o panonoorin. o diba, astig? agaw eksena!
At agaw eksena nga ang nangyari kahapon. lalo na sa AS lobby kung saan kami ay... hay, nakakahiyang ikwento. YUng dalawang place na pinagpalabasan namin ay sa grand stand ng sunken garden at yung isang tambayan ng org sa main lib. Natapos din ang challenge at ang presentation naman sa ERG ang inatupag ko.
Kami yung crew ni jack. ako si Random pirate(RP)#1. ang pangalan ko'y Ar. si Joseph si RP2, si Er. Si Kiko si RP5, si Ur. at alam kong napakahirap malaman ng pangalan ni RP3 at RP4. Ayun, nagre-volve ang kwento sa mga piratang DVD at ang golden DVD player na kulay silver. After nung skit, sumayaw pa kami ng Staying Alive. ang saya!
pagkatapos ng presentation, nag-celebrate si kuya amiel ng birthday niya. at habang kumakain ay nilulubos naming mga apps ang pagpapa-sign sa mga mems.
ang daming tao dito sa UP ngayon (hanggang bukas) kasi nga UPCAT. Bigla ko tuloy na-realize dalawang buwan na pala akong nandito sa UP. Eto lang masasabi ko sa mga UPCAT examinees, galingan niyo. Gawin niyo lahat para makapasa sa UP dahil dito sa UP, ibang klase ang saya.