Nung Wednesday, nagkaroon ng EEE orientation pero hindi ako nag-attend ng orientation kasi may klase ako sa PE – Scrabble. Humabol na lang ako dun sa block picture taking. After a minute or two nung duamting ako sa melchor hall, yung block na naming agad ang magpapa-picture. Haha. Ang saya naman. Ibibigay ko sana yung phone ko dun sa iba para may copy ako nung pic kaya wala nang oras para gawin yun eh kaya ang mga pictures na meron ako ay yung sa ibang mga block.
Pagkatapos nun, grand pakain na daw. Hindi na ako pumunta dun. Inntay na lang namin nina Reynald at Bryan sina Inez at Kat. Dumating din sila tapos ayun ginawa na namin yung assignment namin sa Marine Science1. Nakakainis na rin konti yang MS1 ha! Wala bang week na wala kaming assignment sa kailangan naming pumunta sa kung anu-anong lugar? Hay, tiis tiis na lang. Isipin ko lang ang Kas 2 ay parang nagiging masaya na para sa akin ang marine sci1.
Kahapon yung walk-out para dun sa pagtutol dun sa tuition fee hike. mga 11:30 eh nandun na sila sa AS lobby. tapos pinuntahana nila lahat ng mga floor. sumisigaw sa mga hallways. nanghihikayat na kami'y sumali dun sa walk-out/rally. ayun, medyo naistorbo yung ilang mga klase na wala namang balak sumali sa walk-out. Pero sana kasi nag-start sila ng mga 1:00 para nabulabog yung klase namin sa Kas2 at walang choice yung prof namin kundi wag na lang ituloy ang discussion kasi maingay.
nung friday din meron kaming Comm3 challenge. Bring your groupmates to your favorite place in UP.Ako, yung fave place ko eh yung university avenue specifically yung part ng acad oval na katapat ng melchor hall (natural, engg ako eh). Kay Rio naman, dun sa “walk” from Math bldg to CS at kay Casey ay yung Albert Hall (MBB bldg). Tapos si Monch, dinala kami dun sa “paradise” daw niya. Ibang klase talaga mga FA! Tapos dinala din niya kami dun sa College of Fine Arts. Ibang klase. May sarili talaga silang mundo. Bawat table, locker, bench ay may art work na nakalagay pero sabi sa amin ni Monch, hindi lang naman daw sa FA may “art”, kalat daw ang mga ganun sa buong UP kung papansinin mo lang talaga.
Nga pala, kahapon yung hypothermia, yung freshmen night ng engineering pero kahit na gustong gusto kong manood nun dahil dun sa dance & modeling competition at yung concert, hindi ako nanood kasi syempre good girl ako. Tsaka hello yung ganung oras sa akin eh sobrang gabing gabi na. Sabi Airon, mga 11:30 na raw yun natapos. Yung block daw namin ay nanalong 3rd place sa best block. Nung sinasabi niya to kanina sa akin, parang napaisip ako kung paano nangyari yun eh hindi naman ganun ka-active ang block namin. Sa pagkakaalam ko nga, ang konti ng mga G9 na nagpunta ng hypothermia. Hay, bawi na lang tayo sa paint ball!
Tapos kanina, nag-block bonding kami dun sa lagoon. Ang saya saya. Puro games lang. syempre, bonding nga eh. Ayun, may mga kakilala na akong mga g17 at syempre, nakilala ko rin yung ibang g9. Andaya tatlong beses akong taya dun sa ‘nawasak ang oto’ kasi naman ang bibilis nila tumakbo. Super nakakatawa yung game namin ng dugtungan kasi laging napupunta sa EEE rooftop ang topic ng sentence. Haha. Sikreto na lang kung ano yung nasa EEE rooftop. Tapos ayun nag-lunch kami, tapos nagdikit ng mga coupon bond sa likod tapos yung mga block handlers at blockmates naming eh magsusulat dun ng gusto nilang sabihin sa amin o kung ano yung masasabi nila tungkol sa amin. Pero may nagsulat ng “love ka niya” dun sa bond paper ko. Alam ko yata kung sino siya kasi siya lang naman yung may gamit na pink na highlighter eh. Haha. Parang konektado siya kay… hay, kuya, loko loko ka.